Kinabukasan, nagising siyang masakit ang buong katawan niya. Nagmulat ng mga mata at agad nabungaran ang gwapong asawa sa tabi. Napangiti siya nang makita ang gwapong asawa na siyang dahilan kung bakit masakit ang buong katawan niya. "Liam," mahinang usal niya sa pangalan ng asawa. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Dahan dahan niyang hinaplos ang mukha ng asawa. At lalo pang lumalim ang ngiti sa mga labi. Ilang beses ba siyang paulit ulit na inangkin ng asawa kagabi. Ilang beses ba siyang nagpaubaya at sinabayan ang asawa sa pagpapaligaya. Hindi na niya mabilang. Sa sobrang focus niya sa bawat halik at haplos ng asawa sa kanya, hindi na nga yata nila namalayan na nakatulog na sila sa pagod. Pareho pa nga silang hubad ng asawa hanggang ngayon. "I love you," mahinang bulong

