Kinabukasan, pagbukas niya ng mga mata wala na naman ang asawa sa tabi niya. Pero ganoon pa man, ngumiti siya. At inalala ang mga pinag-usapan nila ng asawa tungkol sa muli nilang pagpapakasal, pag naayos na nila ang lahat tungkol kay Asena. Napag-usapan na rin nilang magpapakasal sila bago pa lumaki ang tiyan niya. Para naman daw mapili niya at maisuot ang pinakamagandang wedding dress. Nais kasing ibigay ng asawa sa kanya ang kasal na hindi niya kailanman malilimutan. Napag-planuhan na rin nila ang nalalapit niyang pagtatapos sa pag-aaral. Nangako ang asawa na makakapagtrabaho siya sa anumang trabahong nais niyang pasukan, basta after her pregnancy na. Ganoon din naman ang plano niya. Pag medyo malaki na ang anak nila ni Liam, saka siya magtatrabaho para naman magamit niya ang sk

