Malakas niyang tinulak si Liam palayo sa kanya. “How dare you, Liam?!” nanggagalaiting sabi niya. Saka lumingon sa paligid. Maraming matang nakatingin sa kanila. Nais man niyang sampalin ang asawa, hindi niya nagawa. “I hate you!” mariing sabi niya saka mabilis na naglakad palayo rito. “Bianca,” tawag nito sa pangalan niya. Saka ito sumunod sa kanya. Naiinis siya sa asawa dahil sa pagmamando nito sa kanya sa harap ng mga kaibigan niya. Isama pa ang halik nito na kauna-unahang bawal sa pagsasama nila. “Come here,” sabi nito sabay hila sa braso niya. “Bitiwan mo ko, Liam!” “Not this time,” seryosong sagot nito. Kahit anong pagpupumiglas niya, hindi siya nito binitiwan. Kaya wala siyang choice kundi sumunod na lang, kesa gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao. Pagsakay sa kot

