MISTRESS-53

1300 Words

Pumasok sila sa kilalang coffee shop. Kung saan tinapunan niya noon ng kape si Irene dahil sa kabastusan ng bibig nito. "How's school?" tanong nito. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Masyadong nagpapahalatang masaya sa mga nangyayari sa kanila ni Liam. "Good," tipid na sagot niya. Nalipat ang atensyon niya sa waiter na naglalagay ng mainit na kape sa mesa. Nais niyang iwasang tignan ang mukha ni Irene na hindi maitago ang tuwa sa mga nagaganap. "Anyway, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa'yo. We both know how much we hate each other, dahil kay Liam," nakangiti at demonyong sabi nito. Hindi siya kumibo. Iniling niya ang ulo at humigop ng kape. "Technically, I still want Liam." "He's married!" mariing sagot niya rito. Tumawa ito. Malakas at nakakainsulto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD