"Hhhmm," hindi niya maiwasang magpakawala ng ungol habang sinasakop ng asawa ang mga labi niya. Hindi rin niya naiwasang gumanti sa mga halik nitong miss na miss na niya. "I missed you, sweetheart," bulong ng asawa nang pakawalan ang mga labi niya. Pareho pa silang habol ang hininga. Nagtama ang kanilang mga mata. Tanging mga mata nila ang nag-uusap at nagkakaintindihan. "Liam," anas niya sa pangalan ng asawa, sabay kawit ng mga kamay sa batok nito. Nakatunghay pa rin ito sa kanya. "Bianca, sweetheart," sabi nito. At muli nitong niyuko ang mga labi niya para angkinin. Buong puso naman niyang sinalubong ang mga labi ng asawa. Mapusok at mapanghanap ang mga halik nito. Halik na talagang namiss niya. "Aaaahhh," ungol niya nang bumaba ang mga labi ng asawa sa leeg niya. "Be mine

