Kanina pa tumatawag sa kanya si Liam, minabuti na muna n'yang huwag sagutin ang tawag ng asawa. Nais muna n'yang mapag-isa at makapag isip-isip ng tamang gagawin. Although buo sa isip n'yang hindi iiwan si Liam kahit anong mangyari. Mahal na mahal n'ya ang asawa. Kahit masakit na at nasasaktan na s'ya ay titiisin n'ya. Ganoon naman talaga pag mahal mo ang isang tao. Lahat titiisin mo. Naglakad-lakad s'ya sa San Miguel Park. Marami rin mga naglalakad na magkakapamilya, barkada at may mga couples din na sweet na sweet. Hindi tuloy n'ya maiwasang makaramdam ng inggit. Kung sana kasama n'ya si Liam ngayon na naglalakad sa park di sana masaya s'ya. Humugot s'ya ng malalim na paghinga at naupo sa may upuang bato na nakaharap sa karagatan ng San Miguel. Tumitig s'ya sa kadiliman. At walang iban