"Join us, Irene. We were just starting," magiliw na anyaya ni Asena. Agad namang lumapit si Irene sa kinauupuan nito at humalik pa sa pisngi ni Asena. Habang nasa kanya nakatingin. Sinalubong niya ang mga mata nito at nagtaas ng kilay. The old woman is here to ruin the night. "Have a seat," sabi pa ni Asena at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi nito, kaharap siya. "Hi there, Bianca," makahulugang bati nito sa kanya. "You know her?" tanong ni Asena kay Irene. "Yes. She is Liam's young wife," sagot nito. Nalipat ang mga mata nito kay Liam, at sa Daddy niya. Sinulyapan niya si Liam na halatang nagtitimpi lang ng galit. Hinayaan lang nito si Irene sa munting palabas nito. Ganoon din ang ama. Tahimik pero halata ang pagkabalisa. "Right. She is Liam's wife," sagot ni Asena. Nagtawa

