“Huwag ka nang bababa. Hintayin mo ko dito,” mariing sabi niya kay Bianca nang makarating sila sa police station. Nagkagulo dahil sa pananapak niya sa lalaking nambastos kay Bianca. Nakita niya kung paano bastusin ng lalaki si Bianca, kaya napasugod siya at hindi napigilan ang galit. Halos magulpi na niya ang lalaki sa sobrang galit. Buti na lang umawat ang mga kasama nito bago niya ito mapuruan. Matapos magkagulo, agad dumating ang mga bouncer. Hindi naman sana siya magrereklamo pa. Pero para na rin sa kaligtasan ni Bianca ay sumama na sila sa pulisya para ireklamo ang lalaki sa pambabastos kay Bianca. At ganoon din ang lalaki sa kanya—nais siya nitong ireklamo ng pambubugbog. Kaya narito sila ni Bianca sa police station. Hindi niya magawang iwanan si Bianca sa bar kanina na takot na t

