Tatlong araw na mula nang mangyari ang insidente sa Vince Bar. Tatlong araw na rin hindi nagpaparamdam sa kanya si Liam. Aaminin niyang tila hinahanap-hanap niya ang pangungulit ni Liam sa kanya. Ang pagsunod-sunod nito sa kanya. Minsan nga sa tuwing lalabas siya ng campus, umaasa siyang nasa labas ng campus si Liam at susunggaban na naman siya tulad ng dati. Pero walang Liam na nagpaparamdam sa kanya ngayon. Kahit sa condo niya o kung saan man siya magpunta. Pakiramdam niya, parang ang boring na ulit ng buhay niya ngayong hindi nagpaparamdam sa kanya si Liam. Isama pang kinakatwiran siya ng mga kaibigan niya. Namimilit na malaman kung sino ang lalaking tumulong sa kanya sa bar. Sinasabi na lang niya sa mga ito na nakilala lang niya sa bar para hindi na lang humaba pa ang usapan. Sa dami

