MISTRESS-13

1456 Words

Tinawagan niya agad ang Ate Asena niya nang sabihin ng Doktor na wala namang dapat ipag-alala sa kalagayan ni Bernard. Nasobrahan daw ito sa pagod kaya nawalan ng malay. Sinabi niya sa kapatid na sa opisina niya nawalan ng malay si Bernard. Hindi pwedeng malaman ng Ate Asena niya na sa condo ni Bianca nanggaling ang asawa nito. Labag man sa kalooban niya, kailangan niyang pagtakpan ang bayaw para na rin sa kapakanan ng kapatid. Pag gising ni Bernard, mag-uusap na sila tungkol kay Bianca. Tutal hindi na rin ito makakapagkaila pa na magkakilala ang dalawa. Nanggaling ito sa condo mismo ni Bianca at siya ang tumawag ng ambulansya para rito. Kahit papaano, may karapatan siyang magtanong sa bayaw. At may karapatan siyang malaman ang totoo, dahil kapatid niya ang involve dito. Wala siyang iban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD