~Hulyo 16, 1950~ Ngayon ay maingat na umakyat pataas sa mababang pader si Python upang makapasok nang tuluyan sa loob ng bahay ng mga De Ayala at siyang magbubukas ng gate para kay Amalia. Nang makababa si Python sa lupa ng mga De Ayala ay agaran siyang pumunta sa gate upang buksan ito. Walang tao ngayon sa bakuran ng mga De Ayala kaya’t walang sino man ang nakapansin nang pagpasok ni Python. Natigilan si Python nang makita ang nakakandadong buksanan ng gate. “Mayroon ka bang hairpin diyan sa buhok mo Amalia?” tanong nito kay Amalia na ngayon ngay nasa kabilang side ng gate. Dahilan ito para alisin ni Amalia ang malaki niyang palamuti sa buhok na hindi naman napagtanto ni Python na hairpin nga ito. Unti-unting nabuhaghag ng tuluyan ang nakapusod na buhok ni Amalia. “Pwede na ba it