~1950~ "Sigurado ba kayo dito sa mga pinaggagagawa ninyo?" tanong ni Berteng na siyang nagdrive kina Armando papunta sa parola. "Wala po kayong dapat na ikabahala Mang Berteng dahil wala naman pong mapapahamak dito, may mga itatanong lamang po kami sa kanila," sagot ni Amalia na ngayon ay kasalukuyang itinatali ang kamay at paa nila Python at Eeya kasama si Armando. "Basta siguraduhin niyong walang masasaktan dito sa gagawin niyo ha," aning muli ni Berteng sa dalawang bata na ngayon ay nag-aalangan sa gagawing plano ng dalawa. "Opo Mang Berteng. Tatanungin lamang po namin sila kung may alam sila sa pagkamatay ng papà ni Amalia. Gusto lamang po namin malaman ang totoo," saad ni Armando dahilan para mapabuntong hininga si Berteng at tanguan nga ito. "O’ siya siya, magbabantay nalang ako