~Hunyo 19, 1890~ San Nicolas Ngayon ay kalagitnaan na nga ng gabi at halos mag-iisang araw na mula nang nakakulong si Felimona sa kaniyang kwarto. Ngayon ay namumugto ang kaniyang mga mata dahil sa kakaiyak magdamag habang nakahilata sa kaniyang kama. “Senyora Felimona.” Ngunit ang pagtawag ni Manang Corazon ang siyang naging dahilan para unti-unting mapukaw ang atensyon nito sa pintuan. “Manang Corazon?” tawag nito sa matanda habang ngayon ay bumabangon na mula sa pagkakahiga. “I—ikaw ba iyan manang Corazon?” “Ako nga Senyora Felimona,” sagot ng matanda na siyang dahilan para magmadali ngayong pumunta si Felimona sa pintuan at doon ngay muling sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. “Senyora, ayos ka lamang ba riyan?” nag-aalala ngang tanong ngayon ng matanda sa kabilang pintuan na n