~1950~ "Hoy Python, paano mo nagawa ‘yon? Eh, ‘diba isang beses mo lang naman nabasa iyong diary ni Amalia?" pabulong na pang-iintriga ni Eeya sa kaniyang kaibigan dahil magpahanggang ngayon ay gulat pa rin siya sa nagawa nito. Ngayon ay kapwa sila nakasakay sa kotse nila Amalia na siya nang nagpresintang iuwi ang dalawa sa bahay ni Chief Cruz. "Maybe I have photographic memory? Bakit parang bilib na bilib ka diyan?" pabulong na sagot ni Python dahilan para lakihan siya ni Eeya ng mata na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi nito. “Excuse me? Ang kapal mo rin talaga ano,” sambit ni Eeya dahilan upang mapangiti na lamang si Python at muling ibaling ang tingin sa bintana ng kotse. "Narito na tayo," ani ni Manong Berteng na siyang unti-unting pinahinto ang takbo ng kotse sa tapat ng gat