“Eeya, lumilipad tayo!” hindi nga magkamayaw na sigaw ngayon ni Armando nang unti-unti niyang imulat ang mga mata niya at mapagtanto na lumilipad nga ang ang sasakyang ginawa nila. “Armando, mas higpitan mo pa ang hawak,” saad nga ni Eeya dahilan para mapakunot nga ng noo ngayon si Armando ngunit huli na nga nang biglang mabilisang paandarin ni Eeya ang sasakyan dahilan para tila nga itinutulak sila ngayon dahil sa bilis nito. Ngunit halos manlaki nga ngayon ang mga mata ni Eeya at matigilan nga nang bigla nga niyang makita sa LED na nakakabit malapit sa manubela na paubos na nga ang langis na siyang nagpapagana sa kanilang sasakyan dahilan para unti-unti ngang bumabagal na ngayon ang paglipad ng kotse. “E---eya anong nangyayari?” natataranta ngang tanong ngayon ni Armando nang mapag