“Amalia?” At halos natigilan nga ang dalawa ngayon nang makarinig nga sila ng boses mula sa reticule ni Amalia na dahilan para ilabas nga ngayon ni Amalia ang improvised walkie talkie. “A---armando?” tawag nga ngayon ni Amalia sa kabilang linya. “Amalia, wala ang Don Valentino rito sa kaniyang opisina,” sagot ngayon ni Armando sa kabilang linya dahilan para mapatingin nga ngayon si Amalia kay Felimona na siya ngang nagtataka kung bakit may parang telepono nga ngayon si Amalia na wala man lang mga wires at sobrang liit nga lang. Ngunit halos manlaki nga ngayon ang mga mata ni Felimona nang makita nga ang kaniyang ama na nanggaling sa kusina at paakyat nga sa hagdan at kung hindi pa nga sila aalis ni Amalia sa kintatayuan nila ngayon ay sigurado ngang makikita sila nito kaya naman a