KINABUKASAN ng umaga ay bumalik si Athena sa siyudad para simulan ang kanyang lihim na plano. Lulan ng kanyang kotse ay tumambay siya sa tapat ng Green Valley Condominium. Inaabangan niyang lumabas ang bago niyang target. Makalipas ang ilang sandali ay nakita na niyang lumabas ang target suot ang hapit na pantalong maong at puting t-shirt. May suot na itong puting coat. Nagmamadali itong lumapit sa nakaparadang itim na toyota vios. Dagli itong sumakay at pinausad ang sasakyan.
Nang makaalis na ito ay kaagad niya itong sinundan. Hindi pa masyadong traffic sa mga oras na iyon. In-off niya ang air-condition ng kotse saka binuksan ang bintana sa tagiliran niya. Nanginginig na kasi siya sa sobrang ginaw. Nakalimutan niyang magdala ng jacket.
Huminto ang lalaki sa tapat ng malaking ospital. Marahil ay doon ito nagtatrabaho bilang surgeon. Nakalagay kasi sa profile nito na wala itong permanenteng ospital na pinagsisilbihan. Ngayon alam na niya kung saan ito madalas matatagpuan.
Bumalik na siya sa istasyon. Naroon na si Glenn. May ipinakita itong litrato ng lalaki sa kanya.
“He’s our new target. Taga-La Presa siya,” sabi nito.
Kinuha naman niya ang litrato. Mabuti na lang hindi iyon ang bagong target niya ngayon.
“Kailan natin ito pupuntahan?” tanong niya.
“Kung kaya mo ngayon,” anito.
“Bukas na siguro. Gusto kong magpahinga ngayon.” Ibinalik niya ang litrato rito.
“Gusto mo bang mag-unwind muna?” pagkuwan ay sabi nito.
“Ayaw ko. Gusto ko lang mapag-isa muna.”
“Saan ka naman pupunta?”
“Sa lugar na komportable.”
Iniwan na niya si Glenn. Lumabas siya at kumain sa pinakamalapit na restaurant. Nakaupo siya sa mesa malapit sa pinto. Open lang ang restaurant kaya lahat ng dumadaang tao sa labas ay tinitingnan niya. Nakalahati na niya ang kanyang pagkain nang napansin niya ang kakapasok na matangkad na lalaki. Sinundan niya ito ng tingin nang lumapit ito sa counter.
Nawindang siya nang saglit itong timingin sa direksiyon niya. Pamilyar sa kanya ang mukha nito. Pinag-isipan niyang mabuti kung saan niya ito nakita. Mamaya ay isang senaryo ang dumapo sa isip niya.
BABARILIN sana ni Athena ang lobong kumagat sa kasama niya ngunit may lalaking nakipagbuno sa kanya ng baril. Hubad-baro ito. Nang magkaharap sila nang malapitan ay remihestro sa isip niya ang mukha nito. Ito ang lalaking nakakulong sa bartolina nila. Napakalakas nito. Napihit nito ang hawak niyang baril paharap sa kanya.
Mamaya ay may narinig siyang putok. Tinamaan ng bala ang lalaki sa kanang braso. Nabitawan nito ang mga kamay niya. Nagulat siya nang bigla itong nagpalit ng anyo bilang lobo. Nagtalsikan ang balang bumaon sa katawan nito. Sinugod nito ang guwardiyang bumaril dito at nilapa. Binaril niya ang lobo at tinamaan ito sa likod. Binalingan siya nito ngunit hindi ito natuloy sa pagsugod sa kanya nang tila may tumatawag dito. Tumakbo ito palabas ng tarangkahan.
KINABAHAN si Athena nang maalala kung sino itong lalaki. Ito ang lobo na matagal nang nakakulong sa puder nila. Isa raw ito sa pinakamalakas na lobo. Nagtataka siya bakit nakarating ito roon sa siyudad? Posible kayang isa rin ito sa naghahanap sa hybrid wolf?
Iniladlad niya ang ga-balikat niyang buhok at nagsuot siya ng sunglasses. Binilisan niya ang pagsubo. Pagkatapos ay iniwan niya ang perang pambayad niya sa mesa na inipit niya sa menu book. Lumabas na siya.
Pagsapit ng gabi ay nagpanggap si Athena na naghahanap ng condo unit para makapasok siya sa Green Valley condominium. Mahigpit kasi ang security kaya hindi siya makapuslit ng kahit anong armas. Hindi naman delikado ang target niya kaya kampante siya. Tanging syringe lang ang dala niya na nasa kanyang shoulder bag. Idinahilan niya na nurse siya nang tanungin siya ng guwardiya kung aanhin niya ang syringe. Palagi siyang handa. Meron din siyang pekeng ID bilang nurse. Nakalusot ang diskarte niya. Isang kindat lang sa guwardiya ay pinapasok na siya pero in-hold nito ang pekeng ID niya.
Ang tanging armas na dala niya ay all around niyang hikaw na hugis susi. May kakayahan iyong magbukas ng kahit anong seradura. Naglalabas din iyon ng karayom na pantusok sa puso ng kalaban.
Matapos niyang makausap ang manager ng condo ay wala siyang napala. Wala na daw available na unit. Pero hindi naman talaga iyon ang pakay niya. Nang iwan na siya ng manager ay gumala siya sa gusali hanggang sa marating niya ang unit 87, ang kuwarto ng target niya. Tadtad ng CCTV footage ang pasilyo. Mabuti na lang iisa lang ang CCTV footage sa tapat ng unit. Tumambay muna siya sa katabing kuwarto at kunwari may hinihintay. Naglabas siya ng chewing gum at nginuya. Dalawang pirasong chewing gum ang nginuya niya para malaki-laki kung palubuhin.
Medyo mababa lang ang CCTV footage at kaya lang niyang abutin. Nang lumambot na ang chewing gum ay pinalubo niya ito saka inalis sa bibig niya. Hindi na niya hinintay na pumutok. Pasimpleng idinikit niya ito sa mata ng CCTV footage. Nang masigurong bulag na ito ay dagli siyang lumapit sa pinto ng unit 87. Tinanggal niya ang isang hikaw niya saka ipinasok sa susian ng seradura.
Nang mabuksan ang pinto ay dagli siyang pumasok. Nai-lock kaagad niya ang pinto sa loob. Wala pa roon ang target. Nag-explore muna siya sa buong unit. Maluwag ang unit. May sarili itong kusina at sala. Binuksan din niya ang kuwarto. Malinis ang kuwarto at naka-organize ang mga gamit.
Lumapit siya sa malaking bookshelves. Maraming libro related sa medisina. Mga science book at history.
“Hm. Boring,” sabi niya nang wala siyang makitang fiction book.
Nabaling ang atensiyon niya sa naka-frame na litrato. Kinuha niya ito at tiningnan. Sa loob ng frame ay mayroong dalawang litrato na pinagtabi. Ang isa, litrato ng target niya. Ang isa naman ay litrato ng isang magandang babae. Bumuntong hininga siya. Naisip niya na maaring girlfriend ng target ang babae sa litrato.
Kumislot siya nang marinig niyang nagbukas at agad ding nagsara ang pinto sa labas. Nagtago siya sa ilalim ng kama. Nakita niyang bumukas ang pinto. Ang target na niya iyon malamang. Nakita niya ang mga paa ng lalaki na mahinhing humahakbang. Posible kayang naramdaman nitong may pumasok sa unit nito? Huminto ito sa tapat ng bookshelves.
Mamaya ay umupo ito sa kama, sa paanan at mismong uluhan niya. Lumundo ang kama dahil sa bigat nito. Naghubad ito ng sapatos. Pagkuwan ay tumayo ito. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang naghuhubad ito ng pantalon. Inihulog lang nito sa sahig ang hinubad na pantalon kasama ang puting underwear nito.
Damn! daing ng isip niya.
Tumayo ang lalaki at naglakad papasok ng banyo. Dagli siyang lumabas mula sa kikukublian niya. Saktong pagtayo niya ay biglang bumalik ang lalaki. Nagulat siya nang makita itong hubo’t-hubad.
“f**k!” gulat na bulalas nito. Mabilis nitong nahila ang tuwalyang nakasabit sa pinto saka ibinalot sa ibabang bahagi ng katawan nito.
Nakalimutan niya ang kanyang pakay dahil sa pagkataranta.
“Who the hell are you?” balisang tanong nito at hindi alam kung ano ang dadamputin.
Dinampot nito ang silya sa tabi nito at sana’y ihahampas sa kanya ngunit nailagan niya iyon. Pagkuwan ay sinipa niya ang silyang hawak nito. Tumilapon iyon sa dinging. Sinugod siya nito ng suntok ngunit itinabig niya ang kamao nito saka ito sinuntok sa mukha. Napaatras ito. Mabilis na dumugo ang ilong nito na sapol ng kamao niya. Pagkuwan ay tinadyakan niya ang mga binti nito. Napaluhod ito sa sahig. Bumaling siya sa likuran nito at ipinulupot ang kaliwang braso sa leeg nito saka ini-angkla ang kamay niya sa batok nito.
“Huwag kang kikilos kung hindi ay pipilipitin ko ang leeg mo!” banta niya rito.
Hindi naman ito kumilos. “Who are you? What do you want?” magkasunod na tanong nito.
“I just need your blood, handsome.”
“Ano naman ang kailangan mo sa dugo ko? Bampira ka ba?” tanong nito.
Hinigpitan niya ang pagkakagapos sa leeg nito.
“Aw!” daing nito.
“I said, don’t move!” hasik niya.
Kinuha niya ang syringe sa shoulder bag niya saka pinunit ng kanyang bibig ang plastic na nakabalot doon. Inalis ng bibig niya ang takip ng karayom saka handang iturok sa kaliwang braso ng lalaki.
“s**t! You can’t take my blood using that syringe, b***h!” protesta nito.
“Shut up!” ituturok na sana niya ang karayom sa balat nito ngunit bigla nitong kinagat ang kaliwang braso niya na nakapulupot sa leeg nito.
“Ugh!” daing niya. Nabitawan niya ito. Nakatayo na ito.
“Bakla ka ba?” tanong niya rito matapos siyang kagatin.
Ngumisi ito. “Well, let’s find out if I’m a gay,” pilyong sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang alisin nito ang tuwalyang nakabalot sa kahubaran nito. Hindi siya nakahuma nang mahagip siya ng dulo ng tuwalya na iniitsa nito sa kanya. Naipulupot nito ang tuwalya sa baywang niya saka siya hinila palapit dito. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito. Pagkuwan ay bigla siya nitong siniil ng halik sa mga labi.
Nagpumiglas siya ngunit binuhat siya nito at inihiga sa kama. Dumagan sa kanya ang buong bigat nito. Hiniklas nito ang blouse niya. Nagtalsikan ang botones ng damit niya. Nahantad ang dibdib niya sa paningin nito. Akmang susuntukin niya ito ngunit nahuli nito ang kamay niya at ginapos. Maging ang isang kamay niya’y ginapos din nito at dinaganan ng mga paa nito ang paa niya. Isinubsob nito ang mukha sa dibdib niya at kinagat ang kanyang bra. Hiniklas nito iyon gamit ang mga ngipin nito. Tuluyang lumaya ang malulusog niyang dibdib.
“Oh, s**t! You’re a pretty b***h,” simpatikong sabi nito.
Kinabahan siya nang maramdaman sa kanyang puson ang pagtigas ng p*********i nito. Nagpumiglas siya. Hindi siya makapag-isip nang matino dahil sa presensiya nito.
“Who’s gay now, huh?” untag nito.
“f**k you, asshole!” hasik niya. Inalipin ng inis at hindi mailapiwanag na init ang kanyang katauhan.
“You should do it, b***h! Come on, you had entered my unit without my permission, so don’t expect that I will treat you good. Ano man ang magawa ko sa ‘yo, wala kang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo. Kung hindi kita matatalo sa sakitan, dadaanin ko na lang sa sarap. What do you think, hm?” pilyong sabi nito.
Nang maisip niya ang kanyang misyon ay bumalik sa tamang huwesyo ang isip niya. Bigla niyang inihataw ang kanyang ulo sa ulo ng lalaki. Nabitawan nito ang isang kamay niya nang kapain nito ang nasaktang noo. Sinuntok niya ito sa pisngi. Tuluyan itong napahiga sa kama. Hinagilap niya ang kanyang syringe, hindi na niya makita maging shoulder bag niya.
Nakatayo na ang lalaki. Nataranta siya nang bigla nitong pindutin ang alarm button. Nag-abala pa siyang hablutin ang puting coat nito na nakasabit sa pinto saka isinuot. Pagkuwan ay tumakbo na siya palabas. Inayos niya ang kanyang sarili at kampanteng naglakad na parang walang nangyari. Nilagpasan lang siya ng mga magre-rescue na guwardiya ng condo.
Ligtas siyang nakalabas. Sumakay kaagad siya ng kotse saka nagmadaling umalis. Pagdating niya sa istasyon ay dumeretso siya sa kuwarto at nagbihis. Noon lamang niya ininda ang sugat na likha ng kagat ni David sa braso niya. Napansin niya na nangingitim ang paligid ng sugat. Hinugasan kaagad niya iyon ng alcohol.
“Ugh!” daing niya nang lalong humapdi ang sugat dahil sa alcohol. Pagkuwan ay tinalian niya ng benda ang braso niyang nasugat.
“Buwisit na lalaki ‘yon!” naiinis na sabi niya.
HINDI mapakali si David habang iniisip ang lapastangang babae na nanloob sa unit niya. Hindi man lang nahuli ng mga guwardiya ang babae. Pagkatapos niyang naligo ay inayos niya ang nagulo niyang kuwarto. Nang hinila niya ang kumot ay may pulang bagay na tumalsik mula roon.
Nilapitan niya ang pulang shoulder bag. Iyon na ang bag ng babae. Pinulot niya iyon at binuksan. Ibinuhos niya sa kama ang laman ng bag. May nakita siyang hindi pa nabubuksan na 5cc syringe, chewing gum, touch screen na cellphone at isang pad na sanitary napkin.
Napangisi siya. “May period pa siya sa lagay na ‘yon?” sabi niya.
Kinuha niya ang cell phone at binuksan. Wala iyong password pero ang mga importanteng files ay mayroong password. Mukha ng babae ang wallpaper ng cell phone.
“Sayang, maganda ka pa naman kaso hindi ko alam kung anong grupo ng sindikato ang kinabibilangan mo. Magkita na lang tayo sa police station,” aniya.
Nagulat siya nang biglang tumunog ang cell phone. May tumatawag. Glenn ang nakarehestrong pangalan ng caller. Pinindot niya ang answer key pero hindi siya nagsasalita. Gusto lang niya malaman ang pangalan ng babae.
“Athena? Hello! Nasaan ka na? Athena!”sabi ng boses lalaki.
Pinutol na niya ang linya. “Athena pala, ah,” wika niya.
Itinago niya ang mga naiwang gamit ng babae. Magagamit niya iyon para maipadampot ito sa mga pulis. Malakas ang kutob niya na miyembro ng kung anong grupo ng sindikato ang babae. Mga grupo marahil na nag-e-experiment ng mga dugo at ginagamit sa pag-splice. Pero bakit siya? Ano’ng meron sa dugo niya?
Hindi siya makatulog sa kakaisip. Binulabog ng babaeng iyon ang tahimik niyang buhay. Wala namang nababalitang nag-e-exist ang mga bampira para maglabasan ang mga taong nangongolekta ng dugo. Kung dugo lang naman ang kailangan ng babae, bakit hindi na lang ito kumuha sa blood bank? Bakit kailangan dugo pa niya ang kukunin? Napa-paranoid na siya.