PAGLABAS ni Athena ng kuwarto ay nasalubong niya si Glenn. Nagulat pa ito. Nag-aalalang nilapitan siya nito.
“Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit may sugat ka?” balisang tanong nito habang panay ang sulyap sa nasugat niyang braso.
“Wala ito. Kailangan ko munang pumunta ng headquarter,” sagot niya.
“Saan ka ba nanggaling? Tinawagan kita kanina pero hindi ka sumasagot.”
Kinabahan siya nang maalala na naiwan niya sa kanyang shoulder bag ang cell phone. Maaring nakuha na iyon ng target niya.
“Aalis na ako,” paalam niya kay Glenn.
Hindi na siya nag-abalang bawiin ang cell phone niya. Puwede naman niyang i-shut down lahat ng files sa cell phone niya gamit ang kanyang laptop. Walang makukuhang impormasyon ang target.
Pagdating niya sa headquarter ay dumeretso siya sa kanyang kuwarto. Binuksan niya ang kanyang laptop. Binuksan niya ang system na nakakonekta sa kanyang cell phone. Binura niya lahat ng files na naka-program sa cell phone niya maging mga litrato. Kapag nadiskobre kasi ng target na puwedeng ma-operate ang system ng laptop niya roon sa cell phone, puwede nitong nakawin ang files niya at gamitin laban sa kanya.
Nang naramdaman niya ang sumisidhing kirot sa sugat sa kaliwang braso niya ay inalis niya ang bendang nakatali roon. Nagulat siya nang mapansing namamaga at lumawak pa ang pangingitim sa paligid ng sugat. Ganoon ang hitsura ng kagat ng mga aso. Nakakaramdam din siya ng kakaiba sa katawan niya.
“Hindi kaya si David ang totoong target?” tanong niya sa kawalan.
Nagtungo siya sa laboratory. Naroon pa si Dr. Rosel.
“Doc, I need vaccine,” aniya.
“For what?”
“For dog bite,” sabi lang niya.
“Okay. Please take your seat first,” anito saka itinuro ang silya sa tabi ng mesa nito.
Sinundan niya ito ng tingin habang naghahanap ng vaccine. Pagbalik nito ay dala na nito ang tatlong bote ng vaccine at tatlo ring syringe. Tiningnan nito ang sugat niya.
“Can you take the rabbis out of my wound?” tanong niya.
“Yes, I’ll take the affected skin tissue and blood from your wound first.”
Gamit ang cotton buds ay kumuha ito ng dugo sa sugat niya at ilang hibla ng kanyang balat na apektado. Pagkuwan ay tinurukan siya nito ng gamot. Pagkatapos ay sinimulan nitong e-examine ang nakuhang specimen sa kanya. Pinapanood lang niya ito.
“The rabbis are not strong enough to infect your cells. It’s not from a wolf,” sabi nito.
“You mean the dog is just ordinary?” aniya.
“Yes.”
“How can we identify the infected wolf rabbis?”
“There are ordinary wolves that can’t produce infected rabbis that possible to create humans as one of them. There’s a lot also of wolves that have the same rabbis with ordinary breed dogs.”
“What about the hybrid wolf?”
“I don’t have an idea about the behavior and ability of a hybrid wolf. Its the first time in my knowledge, so I still do some research about it.”
Bigla siyang tumahimik. Unti-unti nang tumatalab ang gamot sa sugat niya. Pagkuwan ay nagpaalam na siya sa doktor. Napaisip siya. May rabbis si David, ibig sabihin, wolf din iyon na maaring gumagamit ng mahika katulad ng ibang lobo kaya nagagawang magkatawang tao. Sa henerasyon nila, nagkalat na ang mga lobo at nakikisalamuha na rin sa mga tao. Pero hindi pa rin siya susuko. Kukuha pa rin siya ng dugo ni David para ma-examine. Hindi kasi basta naa-identify ang hybrid wolf sa laway lang.
MAAGANG pumunta si David sa police station para ipa-blotter ang babaeng nanloob sa unit niya. Ngunit nang buksan na ng pulis ang cell phone na nakuha niya sa bag ng babae ay nagulat siya nang blanko na iyon. Walang ni-isang files o litratong natira.
“f**k! What happened? May laman pa ‘yan kagabi? Baka nasa memory,” sabi niya sa pulis.
“Walang memory ang mismong cell phone. Converted na ito sa isang automated system na kayang i-operate sa ibang gadgets,” sabi lang nito.
“But the girl named Athena. Iyon ang binanggit ng lalaking tumawag kahapon sa cell phone na ‘yan. Can you trace the number from received call?” giit niya.
“Wala na rin pong naka-save na contact numbers kahit sa call history. Sorry Dr. Del Rosario.”
“Mautak talaga ang babaeng iyon,” aniya.
“Puwede n’yo pong i-describe sa sketch artist namin ang hitsura ng babaeng sinasabi ninyo na nanloob sa unit n’yo. Kami nang bahalang mag-scan niyon sa system namin para ma-identify ang pagkakakilanlan niya,” suhesyon ng pulis.
“Okay. Thanks.”
Inilarawan naman niya sa sketch artist ng pulisya ang hitsura ng babae. Nakuha nito ang mukha ng babae. Nang i-scan na sa system ng mga ito ang larawan ng babae ay nagulat sila nang blanko pa rin ang identity nito.
“Baka po hindi taga-rito sa bansa ang babae at nakapuslit lang ng tourist visa,” sabi ng pulis.
“No, Pinay siya. Imposibleng wala siyang identity.” Naiinis na siya.
“Huwag po kayong mag-alala, Doc, may irerekomenda ako sa inyo na secret agent na puwedeng maghanap sa babae.”
“Thanks. Magbabayad ako para sa serbisyo niya. Anyway, here’s my calling card,” aniya sabay abot ng card sa pulis.
“Okay po.”
Pagkuwan ay umalis na siya. May schedule pa siya para mag-opera ng pasyente sa dalawang ospital.
ALAS-SIYETE na ng gabi natapos ang duty ni David sa ospital. Hindi pa siya nakapagtanghalian. Paglabas niya ng ospital ay dagli siyang sumakay ng kotse at nagmaneho. Pag-alis pa lamang niya ng ospital ay napansin na niya na may itim na kotseng nakasunod sa kanya. Kahit saan siya lumiko ay nakabuntot pa rin ito.
“Sino naman kaya ‘to?” tanong niya. Iniisip niya na baka si Athena na naman ‘yon.
Inihinto niya ang kotse sa tapat ng Lance bar and restaurant. Doon siya madalas kumakain. Nanatili siyang nakamasid sa paligid. Kung si Athena ang sumusunod sa kanya, hindi iyon basta papasok sa restaurant dahil alam nitong makikilala niya ito. Inukupa niya ang silya malapit sa bar counter. Nag-order din siya ng wine.
Habang naghihintay ng pagkain ay inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Napansin niya ang lalaking pumasok suot ay abuhing makapal na jacket at pantalong maong na kulay itim. May isa pang lalaki na nakabuntot dito, na may suot ding itim na jacket. Ang naunang lalaki ay ga-balikat ang buhok na aalon-alon. Samantalang ang nahuli ay may isang dangkal ang haba ng abuhing buhok na nakatakip ang ilang hibla ng buhok sa kaliwang mata nito. Inukupa ng mga ito ang mesa ‘di kalayuan sa puwesto niya.
Nahahalata niya na panay ang sulyap sa kanya ng may long hair na lalaki. Habang ang isa pa ay nakamasid sa paligid. Kahina-hinala ang kilos ng mga ito. Nagbago ang isip niya. Ipapa-take out na lang niya sa pagkaing na-order niya.
Pagdating ng pagkain at nakapagbayad ay nagpasya siyang umalis. Nasa labas na siya ng naturang restaurant nang napansin niya na lumabas din ang dalawang lalaki. Ipinasok na niya sa kotse ang nakasupot na pagkain. Napansin din niya ang itim na kotseng nakasunod sa kanya kanina na nakaparada sa kabilang kalsada.
Pasimpleng kinuha niya ang kanyang cell phone at tumawag sa police station. Sinabi niya ang lugar na kinaroroonan niya. Tumambay siya sa harapan ng kanyang kotse. Marami pang taong palakad-lakad sa gilid ng kalsada. Nang madalang na ang mga tao ay nagulat siya nang nakalapit na sa kanya ang long hair na lalaki. Hindi siya nakakilos nang maramdaman niya ang matulis na bagay na nakadiin sa tagiliran niya.
“Sumunod ka sa akin kung ayaw mong masaktan,” sabi nito sa mahinang tinig.
Napalunok siya. Wala siyang laban dito. Naglakad siya kasabay nito. Nakabuntot din sa kanila ang isa pang lalaki. Nang makarating sila sa madilim na bahagi ng abandonadong gusali ay nagulat siya nang naging malaking aso ang lalaking kasama ng isa. Hindi ito mukhang ordinaryong aso. Inalipin na siya ng kaba at pagkataranta.
Napansin niya na may hawak nang syringe ang isang lalaki. Itinurok nito iyon sa kaliwang braso niya.
“Agh!” daing niya.
Nagulat siya nang biglang bumulagta sa sahig ang isang lalaki na naging malaking aso. Maging ang long hair ay nagulat. Nagkasabay pa silang lumingon sa bukana ng makitid na pinto na nasisinagan ng ilaw. Nakatayo roon ang babaeng may hawak na baril. Hindi siya nagkakamali, si Athena iyon.
Pinukol ng lalaki ng kutsilyo ang babae ngunit nailagan iyon ng dalaga. Binaril din nito ang lalaki pero nakaiwas din. Natatarantang naghanap ng malalabasan si David nang makitang nag-aagawan ng baril ang dalawa. Nagpapalitan ng suntok ang mga ito. Napahanga siya sa babae. Maabilidad ito. Nakuha nito sa bulsa ng lalaki ang syringe na pinaglagyan ng dugo niya pero nang matamaan ito ng kamao ng lalaki sa puson ay bumagsak ito sa sahig. Nabawi ng lalaki ang syringe. Bigla itong naging aso at mabilis na nakatakas.
Nagdadalawang-isip siya kung dapat pa ba niyang tulungan ang babae. Nagpasya siyang iwan ito pero nang dumaan siya sa tabi nito ay bigla nitong nahawakan ang kanang paa niya. Natumba siya.
“Ano ba ang kailangan n’yo sa akin, ha?!” nanggagalaiting tanong niya.
Tuluyang nakatayo ang babae. Hinaklit nito ang balikat niya at hinatak siya patayo. Isinandal siya nito sa dingding at itinukod ang kaliwang braso nito sa dibdib niya. Napatingin siya sa nakabendang braso nito. Pagkuwan ay tumitig siya nang deretso sa mga mata nito.
“Hindi lang ako ang naghahabol sa dugo mo. Ibig sabihin, hindi ka ordinaryong nilalang,” anito.
“Ano? Hindi kita maintindihan,” balisang sabi niya.
“Hindi mo maintindihan sa ngayon. Tingnan mo ang sugat ko,” sabi nito saka nito inalis ang benda sa braso nito.
Nakita niya ang sugat roon na likha pa ng kagat niya.
“May rabbis ka. May nakuhang rabbis sa sugat ko na kinagat mo,” sabi nito.
Bigla siyang natawa. “Are you kidding? I’m not a dog,” giit niya.
“Yeah, you’re not a f*****g dog but why do you have rabbis in your saliva? Man, you’re not an ordinary creation. You’re special,” sabi nito.
Umiling siya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ordinaryong tao ang mga magulang ko. Normal silang nilalang.”
“Natanong mo ba sa kanila kung tunay ka nilang anak?”
Natigilan siya. “They died when I was one year old. Tumira ako sa bahay ampunan ng limang taon pero sinalakay ng masasamang loob ang ampunan. Nakatakas ako pero nasagasaan ako ng kotse. Ang nakasagasa sa aking American national ay kinupkop ako. Inuwi niya ako sa Zambales kung saan siya nakatira. Pagka-graduate ko ng high school, dinala ako ng tatay-tatayan ko sa America at doon pinag-aral. Pero noong namatay siya, bumalik ako rito to serve as surgeon,” kuwento niya.
Natigagal ang babae. “Kailangan ko ang dugo mo,” sabi nito.
“No. Kung ano man ang binabalak ninyong gawin sa akin, hindi kayo magtatagumay,” giit niya.
“But you’re in danger, David! Once napatunayan ng mga lobo na ikaw ang hinahanap nila, hindi ka nila lulubayan hanggat hindi ka napapatay!”
“Then tell me what to do!”
“Sumama ka sa akin.”
“How can I trust you?”
“Just trust me.”
“You belong with them, right?”
“No. May ibang grupo akong kinabibilangan na may layong puksain ang mga lobo.”
Ngumisi siya. “So, you’re a wolf.”
“No, I’m not. I’m just an ordinary human.”
Napaisip siya. “Kung iginigiit mo’ng isa akong wolf at ikaw ay isang hunter, saan tayo patungo? You’re going to kill me someday. Magmula noong nahimasok ka sa buhay ko, sunod-sunod na itong banta sa akin. Tell me, how can I trust you? You just drug me into miserable death. Stay away from me and please, don’t bother me anymore,” seryosong pahayag niya.
Dumestansiya sa kanya ang dalaga. Hindi ito nakapagsalita hanggang sa narinig nila kapwa ang serena na marahil mula sa sasakyan ng mga pulis. Pagkakataon na niya iyon para maipadampot sa mga pulis ang babaeng ito. Ngunit tila may kung anong pumipigil sa kanya habang nakatitig siya sa maamong mukha ng dalaga.
“Umalis ka na,” pagkuwan ay utos niya rito.
Dahandahang umatras ang babae. Wala itong anumang sinabi pero hindi nito maialis ang titig sa kanya. Ganoon din ang pagsunod ng tingin niya rito hanggang sa tuluyan itong naglaho sa dilim.
Nakarating na sa kinaroroonan niya ang mga pulis. Ang katawan ng lalaking nabaril ang kinuha ng mga ito. Hindi niya nabanggit sa mga pulis si Athena.
Pagdating niya sa kanyang unit ay hindi pa rin natahimik ang isip niya. Ginugulo ni Athena ang buong sistema niya. Hindi lamang iyon tungkol sa mga sinabi ng dalaga, kundi sa buong presensiya nito. Hindi niya naubos ang pagkain niya. Pumasok siya sa banyo at nag-shower. Kahit pumikit siya at mag-refesh ng utak ay hindi nawaglit sa kukoti niya si Athena.
Sa buong buhay niya, noon lang siya nakatagpo ng babaeng sa unang tagpo ay ginimbal nito ang buong pagkatao niya. May something kay Athena na tila kinasasabikan ng sistema niya. Hanggang sa natagpuan niya ang sarili na nagnanasang makilala pa ang dalaga at mapasok ang mundo nito.
Hinila niya ang tuwalya saka ibinalot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Paglabas niya ng kuwarto ay napansin niya ang shoulder bag ni Athena na isinabit niya sa pinto ng aparador. Kinuha niya ito at inihagis sa basurahan. Isinama na niya ang cellphone nito.
Lumuklok siya sa kama. Ilang sandali pa ay nagbago ang isip niya. Pinulot ulit niya ang bag at cellphone. Bumuntong-hininga siya. Ipinasok niya sa bag ang cellphone at sinabit muli sa likod ng aparador. Nagbihis na siya ng pantulog.