Chapter Four

2752 Words
NAALIMPUNGATAN si Athena dahil sa magkasunod na katok sa pinto kasunod ng tinig ni Glenn. “Athena! Ano ba? Tangahali na! Hahanapin pa natin ang target!” sabi ni Glenn. Tinatamad siyang bumangon. Masakit ang buong katawan niya. “Athena!” tawag na naman ni Glenn. “Oo na!” sagot niya. Napilitan siyang bumangon. Lumabas siya at nagtungo sa banyo. Nahimasmasan siya nang nabasa ng malamig na tubig ang katawan niya. Mag-uumaga na siyang nakatulog kaya siya parang lantang gulay. Binulabog ni David ang isip niya kaya siya inatake ng insomnia. “Nagtatrabaho sa isang restaurant sa La Presa ang target. Umaga ang duty niya roon bilang chef. Wala siyang service kaya hindi siya mahirap hulihin. Walking distance lang ang bahay niya mula sa restaurant,” sabi ni Glenn tungkol sa bago nilang target. Wala siya sa mood makinig pero nakuha niya ang impormasyon. “Copy. Umalis na tayo para maaga tayong makauwi,” sabi lang niya. Nasa biyahe sila ni Glenn papuntang La Presa. Ito ang nagmamaneho dahil nagreklamo siya na masakit ang sugat niya sa kaliwang braso. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi nito. Sa kabila ng kanyang pananahimik ay umiikot lang ang isip niya sa mga impormasyong nakuha niya mula kay David. Ang kuwento nito ay nag-match doon sa kuwento ni Don Victor tungkol sa hybrid wolf na hinahanap nila. Wala pa rin siyang ideya kung ano ba talaga ang ugat ng pinagmulan ng hybrid wolf na iyon. Ang alam lang niya, anak iyon ng lobo sa isang tao at iyon ang nakatakdang wawasak sa sangkatauhan at magpapalakas lalo sa puwersa ng mga lobo. Sa La Sola restaurant na sila naabutan ng meryenda. Doon sa restaurant kung saan nagtatrabaho ang bago nilang target. Ngayon lang siya nawalan ng gana sa misyon nila. Nakatutok kasi siya kay David. Pagkatapos ng meryenda ay nakatambay lang sila sa tapat ng restaurant hanggang sa kumagat ang dilim. Inaantabayanan nila ang paglabas ng target. “Nariyan na siya,” sabi ni Glenn. Nang makita niyang lumabas na ang target ay bumaba na siya ng sasakyan. Inihanda na niya ang syringe. Sinundan niya ang target hanggang sa makarating sa madilim na bahagi ng kalye. Sinabayan niya ito sa paglalakad. Nang wala na silang kasalubong sa paglalakad ay bigla niyang ikinawit ang kaliwang braso niya sa leeg nito saka ito kinaladkad patago sa malaking punong kahoy. “Huwag kang papalag! Hindi ka masasaktan!” aniya. Masunurin naman ang lalaki. Mabilis niyang itinurok ang syringe sa kaliwang braso nito. “Agh!” daing nito. Nang makakuha ng sapat na dugo ay dagli niya itong pinakawalan at iniwan. Pagdating niya sa kotse ay kaagad nagmaniobra si Glenn. “Ang bilis, ah. Para ka lang namitas ng dahon ng damo roon,” ani Glenn. “Deretso na tayo sa headquarter,” sabi lang niya. “Okay.” NEGATIVE pa rin ang resulta ng dugong nakuha nila. Inaasahan na iyon ni Athena. Nanatili sila ni Glenn sa headquarter habang naghihintay ng bagong misyon. Hirap siyang makatulog kaya nangabayo muna siya. Gusto niyang ma-refresh muna ang utak niya na tila na-stock sa isang sitwasyon. Naunahan siya ng mga lobo sa pagkuha ng dugo ni David. Doon tumibay ang hinala niya na maaring si David ang hybrid wolf. Kapag naging positibo iyon sa mga lobo, natitiyak niya na huhulihin ng mga lobo si David. Kailangan maunahan niya ang mga ito. Pinalipas muna niya ang ilang araw bago siya bumalik sa siyudad. Lihim pa rin niyang sinusundan si David. Kinulot niya ang buhok niya sa dulo at kinulayan ng light brown. Nagsuot siya ng contact lenses at nag-apply ng manipis na lipstick sa labi at kaunting face powder para medyo mag-iba naman ang hitsura niya. Paniguradong nai-report siya ni David sa mga pulis. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya puwedeng alisan ng tingin si David dahil posibleng may mga lobo na ring umaaligid dito. Nang pumasok na sa ospital si David ay pumasok din siya. Nagpa-examine siya ng kanyang dugo para may dahilan siyang mag-stay roon. Tumambay siya sa labas ng laboratory kung saan mayroong nakahandang bench. Nasa tapat lamang iyon ng pinto ng elevator. Nakaalis na ang ilang naghihintay ng result ng test. Naiwan siyang nag-iisa. Maghihintay daw siya ng isang oras bago makuha ang result ng blood test niya. Mamaya ay biglang bumukas ang pinto ng elevator. Awtomatiko siyang napatitig sa nag-iisang lalaking laman ng elevator. Hindi niya inaasahang magkikita kaagad sila ni David. Nakasuot ito ng puting coat na may nakabordang pangalan nito sa kaliwang dibdib. Katulad ng coat na suot nito ang nakuha niya sa unit nito. Deretso ang tingin nito sa kanya. Napansin niya ang paninigas ng panga nito. Paglabas nito ay bigla itong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi sa gawing kaliwa. “Hanggang kailan mo ba ako susundan?” tanong nito sa malamig na tinig. “Hanggang sa makuha kita,” tugon niya. “Akala ko ba dugo ko lang ang kailangan mo,” anito. “Dugo mo at ikaw mismo.” Ngumisi ito. “Kapag binigyan kita ng dugo, lulubayan mo na ba ako?” “Kapag nagpositibo ang dugo mo, kailangan kitang makuha.” “Hindi ako bata, Athena. Alam kong may gagawin kayong masama sa akin kaya bakit ako sasama sa iyo?” “Mas mapoprotektahan kita kapag sumama ka sa akin,” aniya. Tumawa ito ng pagak. “Don’t insult me, lady. Isang hamak na babae ang poprotekta sa akin? Kahibangan,” nang-uuyam na sabi nito. “Huwag mo akong maliitin. Hindi lahat ng babae ay nasa ilalim ng lalaki.” Matamang tiningnan siya nito. “Prove it to me. Patunayan mo na kayang mong pumaibabaw sa akin,” makahulugang sabi nito. Marumi ang dating sa kanya ng sinabi nito. “Hindi ako nagbibiro,” seryosong wika niya. “Fine. If you want to get me, show me your effort. But it’s not easy like what you think. Iniiwasan kita pero ikaw itong lapit nang lapit sa akin. Binibigyan mo ako ng dahilan para tanggapin ka.” Marahas niya itong tiningnan. “Huwag mong bigyan ng kahulugan ang pagsunod ko sa iyo. I’m just doing my job,” aniya. “Job? Then, tell me what your f*****g job is? To collect blood and kill lives?” akusa nito. “I’m not a criminal. Isa rin akong tao’ng gusto lang protektahan ang mga inosenteng tao.” “Whatever. But I have an idea. What if we’re going to set a dinner date for tonight? So we can share some ideas and getting to know each other.” Nagulat siya sa sinabi nito. Tumayo siya. “I’m not interested,” sabi niya. “I will give you my blood after the date,” sabi nito. Tiningnan niya ito ng matalim. “Guy strategy, uh? I’ll give you dinner date but once I got your blood and resulting positive, I need to bring you in my group,” hamon niya. “f**k!” bulalas nito. Bumalikwas ito ng tayo. Sinalubong niya ang titig nito. “Believe me, David; you have to cooperate with me for your safety. It’s not a joke.” Panay ang buntong-hininga ng binata. “Fine. Fine. Hintayin mo ako sa labas ng ospital na ito mamayang alas-siyete ng gabi,” sabi nito, pagkuwan ay iniwan siya. Napangiti si Athena nang sa wakas ay makakamit na niya ang tagumpay. Umuwi na muna siya sa istasyon nila at nagpahinga. Hindi na nakapag-report doon si Glenn. Mukhang umaayon sa kanya ang pagkakataon. ALAS-SAIS pa lamang ng hapon ay nakatambay na si Athena sa labas ng ospital na pinagtatrabahuhan ni David. Wala namang espesyal sa date na iyon kaya hindi siya nagsuot ng pormal na damit. Pulang blouse lang ang suot niya at puting leggings. Manipis na make-up at lipstick lang ang inilagay niya sa mukha. Napansin niya, halatang mapusok sa babae si David. Pero wala siyang balak konsintihin ito. Habang nagmamanman siya sa paligid ay napansin niya ang isang lalaki na umaaligid sa labas ng ospital. Kahina-hinala ang kilos nito. Nang sumapit ang alas-siyete ay bumaba na siya ng kotse at pumasok sa ospital. Nakita niya si David sa information. Wala na itong suot na puting coat. Inabangan na niya ito sa labas. Nang makalabas na ito ay dagli niya itong nilapitan. Nagulat pa ito nang makita siya. “Wait, baliktad ata. Bakit babae ang sumusundo sa akin?” pilyong sabi nito. “Wala akong panahong makipagbiruan sa ‘yo. Let’s go,” nag-aapurang sabi niya. “I don’t have car. Iniwan ko talaga,” anito. “I have mine.” Hinawakan niya ito sa kanang kamay saka hinila palapit sa kanyang kotse. “Get in,” utos niya rito. Nang makasakay ito ay nagmadali siyang sumakay at umupo sa harap ng manibela. Nagmaniobra siya. “Bakit ka ba nagmamadali?” ‘takang tanong nito. “May sumusunod sa atin,” sabi niya nang napansin niya ang pulang kotse na kakaalis din ng ospital. Nakasunod ito sa kanila. “What?” Lumingon ito sa likod. “Ikaw ang pakay nila.” “Damn! Paano tayo magde-date?” angal nito. “Forget about that f*****g date! It’s not a time for that.” “Come on, where we going now?” tanong nito. “Somewhere out of their sight. Kailangan natin silang matakasan.” “How then?” “Hindi ka na safe sa unit mo, David. Kailangan mo nang lumipat.” “What? Are you commanding me?” “It’s for your sake, David! Wala ka nang choice.” “Paano ang trabaho ko?” “Mas mahalaga pa ba ang trabaho mo kaysa buhay mo?” Hindi nakaimik ang binata. Halos bungguin na sila ng kotseng nakabuntot sa kanila. Itinudo na niya ang takbo ng kotse kahit wala na sila sa tamang kalsada matakasan lang ang mga humahabol sa kanila. “f**k! Drive safety, lady!” hasik ni David. “Hold on!” sabi niya. Panay ang panaghoy ni David nang kamuntik na silang araruhin ng cargo truck. “s**t!” bulalas nito, habang nakalubog na sa upuan nito. Mamaya ay may bumundol sa likod ng kotse niya. Sumubsob ang mukha ni David sa harapan nito. Kontrol pa rin niya ang manibela. Inararo sila ng nakabuntot na kotse hanggang sa ibunggo na lamang niya sa pader ang sasakyan. “David!” Inalog niya ang balikat ng binata. Nagising ito. Kinuha niya ang kanyang baril na nasa drawer ng kotse. Pagkuwan ay hinila niya palabas si David. Nahihilo pa ito. Nakababa na rin ng sasakyan ang tatlong lalaki na lulan ng kotse. Pinagbabaril niya ang mga ito habang paatras sila. “s**t! You dragging me to hell, Athena!” palatak ni David. “Shut up! Keep moving!” sabi niya rito. May baril din ang kalaban. Kumubli sila sa poste ng kuryente nang paputukan sila ng mga ito. Itinulak niya si David papasok sa madilim na kanto. Malapit na iyon sa istasyon nila. “Tumakbo ka na!” utos niya rito, habang siya ay nakikipagbarilan sa mga lalaki. Paatras siya habang patuloy ang pag-usad ng mga ito. Maya’t-maya niyang nililingon si David na tumatakbo. Nang ibalik niya ang tingin sa kalaban ay biglang tinamaan ng bala ang kaliwang balikat niya. “Agh!” daing niya. Gumanti siya ng putok. Tinamaan niya sa kaliwang dibdib ang isang lalaki. Isa na lang ang natira dahil nabaril niya ang isa pa. Nang iputok niya ulit ang baril ay wala na iyong bala. Inihagis na lamang niya ang baril sa papasugod na lalaki. Tumakbo siya pasunod kay David, habang hawak ang natamaang balikat. Iniiwasan niya ang balang humahabol sa kanya. Nakita niyang lumiko si David sa kaliwang kanto, sa kantong patungo sa istasyon nila. Sinundan niya ito. Kumubli siya sa likod ng pader ng kanto upang tambangan ang kalaban. Nang sumulpot ito sa harapan niya ay sinipa niya ito sa ulo. Inagaw niya ang baril nito at ipinukpok sa ulo nito. Para siguradong hindi ito makabangon, binaril niya ito sa ulo. Binitawan niya ang baril saka sumunod kay David. Nakahinto sa gitna ng kalye ang binata at inaabangan siyang makarating. “May tama ka,” nag-aalalang sabi nito. “It’s okay,” aniya. Iginiya niya ito papasok sa makitid na daan papasok sa kinaroroonan ng istasyon nila. “Okay? You’re bleeding! You should go to the hospital!” sabi nito. “I can manage this alone,” pagmamatigas niya. “You’re kidding. Don’t too much believe in yourself, Athena.” “Shut up!” Pagdating sa istasyon nila ay dinukot niya ang susi sa bulsa ng pantalon niya. Walang imik na nakabuntot sa kanya si David. Mabuti na lang wala roon si Glenn. Dumeretso siya sa kanyang kuwarto pagkakuha sa medicine kit. May mga gamit din doon na pantanggal ng bala. Sinundan siya ni David. “Let me do this,” sabi nito saka inagaw ang medicine kit sa kanya. “No!” pigil niya. “Come on, I’m a doctor. Napahamak ka dahil sa akin. Please let me do this,” pilit nito. Hindi na lamang siya kumibo. Pinaupo siya nito sa silya sa tabi ng mesa. Inihanda ni David ang gamit at nagpakulo ito ng tubig sa electric kettle. Hinugasan din nito ng alcohol ang mga gamit. Hindi siya pumalag nang hubarin nito ang damit niya. Pinagmamasdan lamang niya ito. “Wala bang anesthesia rito?” tanong nito. “Wala. No need, I can carry the pain,” aniya. “But it’s painful!” natatarantang sabi nito. “I don’t care! Just take the bullet out!” hasik niya. Nag-aalangan pa si David. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. “What are you waiting for?” atat na sabi niya.  Bumuntong-hininga ang binata. Pagkuwan ay sinimulan na nitong bunutin ang balang bumaon sa balikat niya. “Agh!” pasigaw na daing niya. “Damn! You’re brave,” sabi nito nang matagumpay na makuha ang bala sa balikat niya. Nilinis na nito ang sugat niya. Nanghina siya pagkatapos. Mabuti na lang kompleto sila sa gamot. Pinainom siya nito ng pain reliever at antibiotic. Hindi siya nakapagreklamo nang bihisan siya nito matapos punasan ng malinis na bimpo na binasa ng maligamgam na tubig ang katawan niya. “Are you okay?” tanong nito nang maihiga siya sa kama. Tumango siya. “May shower sa labas, puwede kang maligo roon,” sabi niya rito. “Okay. May stock ka bang pagkain? Magluluto ako,” sabi nito. “Naroon sa mini kitchen.” “Alright. Take a rest.” Lumabas na ito dala ang mga ginamit sa paggamot sa sugat niya. Bumubuti na rin ang pakiramdam niya. Sanay na siya sa sakit dulot ng sugat kaya kampante siya na babalik din kaagad ang buong lakas niya. Pero aminado siya na kung wala si David ay hindi niya magagamot mag-isa ang sugat niya. Doon lamang siya nakaramdam ng isang kalinga, hindi ng isang doktor, kundi ng isang taong nagpapahalaga sa buhay niya at nag-aalala. Napansin niya kanina ang labis na pagkataranta ni David. Doktor ito kaya dapat ay sanay na ito sa ganoong sitwasyon. Nakadama siya ng pagmamalaki dahil nakatanggap siya ng pambihirang effort. Mamaya ay bumalik si David. “May extra ka bang damit na kasya sa akin?” tanong nito. “Merong t-shirt diyan sa aparador ko. May pants din na puwede sa lalaki. Wala nga lang akong underwear para sa iyo,” aniya. “Wala bang naiwang underwear dito ang boyfriend mo?” pilyong tanong nito. “Ano? Excuse me, wala akong boyfriend,” napipikong sabi niya. “Oh, ganun ba? E sino ‘yong lalaking tumawag sa cell phone mo na naiwan sa unit ko?” usig nito. Nawindang siya. Nasagot pala nito ang tawag ni Glenn. “Partner ko siya sa trabaho,” sagot niya. “Good to know. I’m willing to use panty. May I borrow your underwear? Hindi kasi ako sanay na hindi nagpapalit ng underwear,” sabi nito. Napalunok siya. Bigla siyang inalipin ng hindi maipaliwanag na init. Nagpumilit siyang tumayo at siya ang naghanap ng maisusuot nito. Mabuti mayroon siyang bagong bili na underwear na hindi pa niya naisusuot. Ipinahiram din niya ang tuwalya niya sa binata. Wala naman siguro itong sakit sa balat. “Thanks. Magpahinga ka na,” sabi nito pagkatanggap ng damit. Sinundan lamang niya ito ng tingin habang papalabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD