NGUMISI siya. "It's not a big deal, niligtas mo rin ang buhay ko, Jenn. By the way, kamusta ka na dito habang wala ako?" masayang tanong ni Lie. "Ginugulo pa nila si Jenn," sabat ni Zeth. Tiningnan ako ni Lie sa mukha na parang nag-aalala sa akin. "Nanakot pa nga sila na hindi sila titigil," saad ni Glendy. "Huwag kang mag-alala, Jenn. Nandito kami at hindi ka namin hahayaang masaktan," panigurado na wika ni Lie. "Salamat sa inyong lahat," emosyonal kong tugon sa kanila. Kinaumagahan ay hindi ko inaasahan ang pagbisita ng aking ina. Sa pagkakataong iyon ay kasalukuyang naglalaba ako ng aking ilang pirasong damit sa loob ng banyo. "Jenny Lim!" tawag ng babaeng jail guard. Lumapit sa akin si Glendy at sinabing hinahanap ako ng jail guard at dali-dali akong lumabas "Bakit po, ma'