BAGONG KAIBIGAN

1603 Words
Bigla akong kinabahan, pakiramdam ko may binabalak silang masama para sa akin. Napatingin ako kay Oba, napansin kong balisa siya at panay ang tingin sa mga kasamahan niya sa selda na parang natatakot. Isa pa, hindi ko ipinahalata na napansin ko sila at nagkunwaring hindi ko alam kung ano ang binabalak nila sa akin. Pero ang ginawa ko ay lumipat sa bakanteng lamesa para maiwasan ang gulo na maaaring mangyari. “Mas mabuti pang lumayo ako kaysa marami ang madamay sa gulo na maaari nilang gawin,” bulong ko sa sarili ko. Pagpalit ko ng upuan ay bahagya akong lumingon kay Oba at sa mga kasama niya sa selda. Napansin kong sumenyas ang isa niyang kasamahan. Parang inutusan niya si Oba na sundan ako. Mabilis siyang tumayo at lumipat sa lamesa kung saan ako nakaupo. "Hoy, bakit ka lumipat?" pabulong na tanong niya sa akin. "Iniiwasan ko lang ang gulo. Alam kong may binabalak ang mga kasamahan mo laban sa akin at ginagamit ka," sagot ko sa kanya, ngunit mahina lang ang aking boses . "Patawarin mo ako, Jenn. Tama ka, inuutusan nila akong guluhin ang lahat ng iyong ginagawa at sirain ang lahat ng mga produkto na ginawa mo. Kapag hindi ko sinunod ang ipinag-uutos nila sa akin ay bubugbugin nila ako," paliwanag niya sa akin. Pero dinaan niya sa mahinang boses, para hindi siya mapansin ng mga kasamahan niya. Naawa ako sa kanya, dahil kilala ko na ang mga kasamahan niya sa selda. Wala silang puso at hindi alam kung paano maging maawain. "Naiintindihan kita. Sundin mo ang utos nila para hindi ka nila saktan," wika ko sa kanya. "Okay lang sa'yo?" nagtataka na tanong niya sa akin. "Oo," seryosong tugon ko. Hindi naman sa nagpakabayani ako, pero naaawa lang ako sa kanya dahil naranasan ko na kung paano nila ako saktan. "P-pero bakit?" nagtataka na tanong niya. "Galing ako sa selda kung saan ka nakakulong. Binugbog nila ako hanggang sa mawalan ako ng malay, tatlong araw akong na-coma at pagkagising ko nasa ibang selda na ako," kwento ko sa kanya. "Kamusta ka ngayon sa bago mong selda? Hindi ka ba nila sinasaktan?" seryoso niyang tanong. "Lahat sila mabait, hindi sila katulad ng ibang selda." "Sana malipat ako sa selda mo," malungkot niyang sabi. "Mag-ingat ka sa kanila dahil traydor ang kasama mo," babala ko sa kanya. "Jenn, pwede ba tayong maging magkaibigan?" malungkot na tanong akin ni Oba. "Oo, naman! Pero sikreto lang natin. Siguradong bubugbugin ka nila kapag nalaman nilang kaibigan mo ako," paliwanag ko sa kanya. "Sige. Salamat, Jenn," aniya. "Kailan ka pa nakulong?" tanong ko sa kanya. “Dalawang araw pa lang," sagot niya. "Anong kaso mo?" seryosong tanong ko. "Pagpatay. Pinatay ko ang aking step-father," malungkot niyang tudan sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil naalala ko ang nangyari noong gabing iyon, "Parehas pala tayo ng kaso," pahayag ko at sabay yuko. "Nakapatay ka rin ba?" balik tanong niya sa akin. "Oo. Pero aksidente lang. Hindi ko intensyon na patayin ang k@bit ng asawa ko. Aksidente ang bala na tumagos sa balikat ng asawa ko ay tumama sa puso ng kanyang— "Sige, simulan na natin!" Naputol ang pag-uusap namin ni Oba, dahil biglang nagsalita si, Ma'am Irish. Hanggang sa nagsimula ng magsalita ang guro, at seryoso akong nakikinig sa kanya sapagkat gusto kong matuto agad. Habang ginagawa ko ang aking produkto, napansin ko na may isang maliit na bagay na hugis bilog na dumapo sa likod ni Oba. "Gawin mo ang gusto nila," bulong ko sa kanya. Hindi ko sinabi ang utos ko kay Oba, upang hindi maghinala ang mga kasamahan niya sa selda. Nag-alinlangan siya kung gagawin niya ang utos ng kanyang mga kasamahan, ngunit napilitan siyang gawin iyon, dahil palihim na pinakita ng kasamahan sa selda ang kutsilyo. Sinadya niyang kinuha ang handmade bag ko at sinira ito ng walang pag-aalinlangan. "Anong ginagawa mo?!" galit kong tanong sa kanya. Sa madaling salita, pagkukunwari lang ang galit ko upang hindi mahalata ng mga kasamahan. Hindi sumagot si Oba at bahagyang ngumisi. "Anong nangyari dito?" tanong ni Ma'am Irish. Napatingin ako sa mukha ni Oba, napansin ko ang takot sa mga mata niya. "Wala po, ma'am." Pinulot ko ang recycle paper bag sa sahig. Pinagtakpan ko ang ginawa ni Oba, upang hindi siya maparusahan. Nagpatuloy ang pagtuturo sa amin ng guro, at patuloy akong ginugulo ni Oba at hinayaan ko na lang. Subalit ang ginawa niya sa akin ay napansin ng mga kasama ko sa selda at lumapit sila sa lamesa namin. "Jenn, may problema ba dito?" tanong ni Zeth. "Ikaw! Nanggugulo ka ba kay Jenn?" galit na tanong ni Haressa sa kanya, ngunit hindi sumagot si Oba. "Ayos lang ako," mabilis kong sagot, para hindi sila magsimula ng kaguluhan. "Sigurado ka ba, Jenn?" panigurado na tanong ni Glendy. "Oo," mahinahon naman ang aking tugon. "Magpakabait ka!" sabat ni Haressa kay Oba. Bumalik sila sa lamesa nila, pero nakatingin pa rin sa akin ang mga mata nila. "Okay ka lang ba, Oba?" baling kong tanong sa kanya. Sapagkat napansin kong parang nanginginig ‘yung mga kamay niya. "Oo, okay lang ako, Jenn," saad niya sa akin. "Sigurado ka?" tanong ko ulit sa kanya. "Natatakot ako na baka may gawin sa akin ang mga kasamahan ko. Sana matulungan mo ako, Jenn," malungkot niyang turan, bakas sa mga mata niya ang sobrang takot. “Subukan kong kausapin ang aking mga kasamahan sa selda na tulungan ka, subalit hindi ako mangangako,” seryoso kong tugon. Naaawa ako sa kanya, at gusto ko siyang tulungan, ngunit hindi ko alam kung paano. Dahil pareho kaming bago sa loob ng kulungan at hindi ko alam kung ano ang batas dito. Ang tanging kinakapitan ko lang ngayon ay ang mga bago kong kakilala sa loob ng aking selda. Hanggang sa natapos na ang aktibidad namin ng alas-onse, at pumunta na kaming lahat sa canteen para sa lunch-break namin. Kasalukuyan kaming nakapila at bitbit ang mga plato namin. Habang nasa kabilang banda ang taga-kabilang selda, kasama na doon si Oba. At maya-maya ay nagpang-abot na ang magkabilang grupo. Agad akong kinabahan at nag-alala na baka may mangyayaring kaguluhan na naman. "Mauna na ako." Biglang sumingit si Haressa, imbes ako sana ang dapat na nasa harapan. Napansin siguro niya na ang pinuno ng kabilang selda ang una sa kanilang linya. "Oops!" pasaring na sabi ng pinuno ng kabilang selda. Pagkatapos niyang harangin ang paa ni Haressa, bahagyang ngumisi. "Oops!" Gumanti si Haressa, at binuhusan ng sopas ang pinuno ng kabilang selda. "Anong kaguluhan ‘yan?!" galit na tanong ng jail guard, lumapit sila sa kinaroroonan namin. Walang gustong magsalita at yumuko kaming lahat. Lalo akong kinabahan dahil baka sumiklab na naman ang digmaan sa pagitan ng dalawang selda.. "Kayong lahat, umayos kayo at huwag magsimula ng gulo, Baka wala kayong kakainin sa maghapon!" galit na sigaw ng warden sa amin. Umalis na ang warden at tumayo kaming lahat at pumila ulit. Hindi agad umalis si Haressa, hinintay niyang matapos kaming tatlo. Hanggang sa ako na lang ang kumuha ng pagkain at naabutan ko ang isa naming kalaban. "Mag-ingat ka dahil hindi ka namin lubayan," bulong niya sa akin. Hindi ako umimik at muling bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakaramdam ng takot at kaba dito sa loob ng kulungan. Isa pa, pakiramdam ko, baka mabaliw ako agad. "Let's go," sabi ni Zeth. Nang matapos akong kumuha ng pagkain. "Jenn, anong sinabi sa’yo ng babae?" tanong sa akin ni Glendy. "Mag-iingat ako dahil hindi nila ako tlubayan," saad ko sa kanya. "Huwag kang mag-alala, labanan natin sila!" turan ni Haressa. "Nag-aalala ako na baka gamitin nila si Oba laban sa akin," malungkot kong saad. "Sino si Oba?" takang tanong ni Zeth. "Yong babae na kasama ko sa lamesa kanina sa workshop room," turan ko. "Bakit ka nag-aalala sa kanya? Kilala mo ba siya?" seryosong tanong ni Zeth. "Kanina ko lang siya nakilala, dalawang araw pa lang siyang nakakulong dito. Mabait si Oba at natatakot siya na baka masaktan siya ng mga kasama niya sa selda, gaya ng ginawa nila sa akin. Puwede ba natin siyang tulungan na ilipat siya sa selda natin?" seryoso kong tanong sa kanila. "Si Lie lang ang makakasagot niyan, Jenn. Kasi kaibigan siya ng warden dito," paliwanag ni Haressa. "Sana makalabas na si Lie, ilang araw na siya doon. Nag-alala ako sa kanya," sabi ko. "Sana nga, kung kasama natin siya ngayon sigurado akong ligtas tayong lahat dito sa kulungan," saad ni Zeth. Hanggang sa natapos na kaming kumain, at pinapunta na kami sa aming mga selda. Wala na kaming ibang ginawa sa loob kundi ang maghapon nakahiga. Napatingin ako sa aking mga kasamahan at tulog na silang lahat. Nalungkot ako, dahil bigla kong naalala ang aking mga anak, at ang aking ina. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil miss na miss ko na sila. Alas-sais ng hapon nagising ako dahil sa sunod-sunod na tapik sa aking balikat ko, "Lie..." bulalas ko, at napatalon ako sa kama nang makita ko siya. Hindi siya nagsalita, pero ngumiti siya sa akin. Dahil sa saya ay hindi ko na napigilan ang sarili aking sarili at niyakap ko siya nang mahigpit. "Salamat, dahil nakabalik ka!" sabi ko, at yakap pa rin siya. "Kumusta kayo dito?" tanong niya. "Ayos lang kami at na-miss ka namin, Lie," saad ko. Sabay punas ng akin mga luha. "Maligayang pagbabalik, Lie!" bati ni Haressa. Natuwa kami dahil bumalik si Lie sa aming selda. Ngunit napansin kong medyo pumayat siya, kaya nakokonsensya ako. Sapagkat ako ang dahilan kung bakit siya inilagay sa piitan. "Patawarin mo ako, Lie. Ngunit salamat," madamdaming kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD