SINAKSAK NI JENNY ANG LIDER SA KABILANG SELDA

1039 Words
NAPAUNGOL ang lider nang bumaon sa kanyang balikat ang maliit na patalim. Lumingon si Amalie at nakita niya ang sitwasyon ko. Natulala ako habang hawak ko pa rin ang patalim. Bigla akong nakaramdam ng natakot, at bumalik sa alaala ang nangyari sa bahay noong gabing binaril ko ang aking asawa at ang kanyang b@b@€ “Pulis!” sigaw ng mga babaeng preso na nanonood lang sa kaguluhan. Mabilis na kinuha ni Amalie ang patalim sa aking kamay. “Huwag kang magsalita, kahit anong mangyari!” utos niya sa akin. Hawak ni Amalie ang patalim, at nakataas ang kamay niya. Habang ako naman ay nanginginig at nakayuko sa takot. "Dalhin mo iyan sa ospital at dalhin ang isa sa bartulina!" utos ng mga opisyal ng mga pulis. Hindi na lumaban si Amalie, at kusang-loob na siyang sumama sa babaeng pulis sa bartulina. Habang kami ay pinabalik sa aming mga selda. Natahimik kaming lahat. at umupo sa kanya-kanyang kama. Nalungkot kaming, dahil sa nangyari kay Amalie. Pero mas naapektuhan ako sa pangyayari sapagkat ako ang nakasaksak ng lider sa kabilang selda. Hindi ako mapakali, at nagtataka kung bakit inaku ni Amalie ang krimen na aking ginawa. “B-bakit inaaku ni Amalie ang pananaksak ko sa lider ng kabilang selda?” Hindi ko naisip na magtanong sa mga kapwa ko preso. "Siguro dahil niligtas mo siya, at baka mas iniisip niya na sanay na siya sa bartulina," sagot ni Haressa. "Yan ang lagi mong gawin, Jenn. Lumaban ka at huwag kang magpa-bully. Buti na lang nasaksak mo siya. Ang t@ng@,ehl!" sabat ni Zeth. “P-pero ang iniisip ko ay si Amalie, baka mapahamak siya doon!” pag-aalala ko sa kanya. "Jenn, huwag mo masyadong isipin si Lie, dahil okay lang siya doon. Ang kailangan mo lang isipin ay ang sarili mo at gumaling ka kaagad. Para kung makalabas man si Lie sa piitan ay malakas ka na rin," sabat na pahayag ni Glendy. "Tama! At kausapin mo si Lie para turuan kang lumaban, dahil magaling siyang makipaglaban," pagsang-ayon ni Zeth. "Oo. Magaling siyang makipaglaban, at pare-pareho kayo," wika ko sa kanila. Sapagkat totoo naman na pareho silang magaling makipag-away. "Tinuruan kami ni Amalie, kaya ngayon ay marunong na kaming ipagtanggol ang aming mga sarili," tugon ni Haressa. Dumating ang gabi, at nakatulog na ang lahat, ngunit nanatili akong gising dahil nagulo ang isip ko. Isa na doon ang mga anak kong nasa pangangalaga ng kanilang ama, lalo na't pareho silang malapit sa akin. "Kamusta na kaya ang mga anak ko ngayon? Nami-miss ko na sila." Hindi ko na naman napigilan ang mga mata ko at nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Pumikit ako para pigilan man lang ang pag-agos ng aking luha. Ngunit nang ipikit ko ang aking mga mata ay lalong lumala ang gulo ng aking isipan dahil bumalik sa aking imahinasyon ang pangyayari sa bahay noong gabing iyon. Dahil abala ang isip ko sa ilang bagay, nakatulog ako ng alas-kwatro nang madaling araw. Dalawang oras lang ang tulog ko, sapagkat ginising kami ng jail guard ng alas-sais para sa morning exercise. "Bumalik na ba si Lie?" tanong ko sa mga kasama, dahil nag-aalala ako sa kanya. "Hindi pa. Maaaring tatlong araw pa sa piitan so Lie," sagot ni Zeth, at kasalukuyang isinuot niya ang kanyang sirang sapatos. Habang inaayos ko ang aking higaan. Hanggang sa nasa gitna na kami ng court, isa-isang tinawag ang mga pangalan namin. Nagsimula ang aming pagsasanay, at habang nasa kalagitnaan kami ng pagsasanay, napansin ko kaagad na masama ang tingin sa akin ng kabilang grupo. Pero ako na lang ang umiwas para hindi na maulit ang kaguluhang nangyari kahapon. Pakiramdam ko ay hindi nila ako titigilan, dahil maraming pera si Jeff, kaya niyang bayaran sila. Kahit kinakabahan ako at natatakot sa maaring mangyari ay kailangan kong magpakatatag sapagkat alam ko sa aking sarili na magtatagal pa ako dito sa loob ng kulungan. "Tingnan mo itong mga tanga, tumingin kay Jenny!" galit na bulong ni Zeth, pagkalapit niya kay Haressa. "Kinakabahan talaga ako, baka maulit ang nangyari kahapon,'' seryoso ang aking tugon. "Huwag kang mag-alala, Jenn. Habang nandito pa kami, hindi ka namin hahayaang saktan ka nila," sabat ni Haressa. “Hanggang wala ang lider nila, hindi nila tayo tatangkaing kalabanin,” paliwanag ni Glendy. "Sila ang nagsimula ng gulo, kaya hindi natin sila aatrasan, lalo na't wala ang kanilang pinuno!" matapang na sabi ni Zeth. Ako'y lihim na nagpapasalamat sapagkat hindi kami inatake ng kabilang selda. Kaya nakahinga ako nang maluwag. Pagkatapos ng aming ehersisyo, pumasok kami sa isang malaking silid. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin doon, ngunit sa aking palagay, ito ay tulad ng isang pagawaan. Dahil may mga basket at bag na gawa sa dyaryo at iba pa. Hindi ko maiwasang magtanong sa aking mga kasama. "Anong lugar ito? At ano ang gagawin natin?" "Tinatawag nila itong workshop. Tuturuan nila tayo kung paano gumawa ng mga basket at bag gamit ang recycle na mga papel," tugon sa akin ni Glendy. "Ahh, okay. Salamat, Glendy," pahayag ko. "Good morning everyone! I'm Irish Onahon. I'm a volunteer economics teacher. At saka, ako ang pumalit kay, Mrs. Delos Angeles. Sa pagkakaalam ko, marami na sa inyo ang may alam sa paggawa ng mga produkto. Meron bang hindi pa marunong? Magtaas lang ng kamay." Isa ako sa nagtaas ng aking kamay. Tumingin ako sa paligid at nakita kong marami kaming nagtaas ng kamay, parang sampu yata. Ibig sabihin lang ay napakaraming tao ang nakukulong sa loob lamang ng ilang araw. Sabi ni Ma'am Irish Onahon lumipat ako sa gilid para personal niya kaming tuturuan. “Good luck, Jenn,” bati ng mga kasama ko. "Salamat. Huwag kang mag-alala, gagalingan ko" tugon ko sa kanila. Umupo agad ako sa bakanteng lamesa, at isang preso mula sa kabilang selda ay umupo sa aking tabi. Hindi siya nagsalita habang nakatitig lang sa mukha ko. Habang hinihintay na magsimula kami biglang ngumiti ang babae sa akin. "Hi!" bati niya. “Hello!” tugon ko naman. "Ako si Oba," pagpapakilala niya sa sarili. “Ako si Jenny,” saad ko, at inilahad ang aking kamay para. At maya-maya, nilapitan siya ng isa niyang kasama sa selda. Isa ito sa mga kalaban namin, at may ibinulong siya kay Oba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD