BINUKSAN ng babaeng jail guard ang selda at pinasok ako. “Magpakabait ka rito, para hindi ka masaktan!” bilin nya sa'kin. Subalit hindi ako nakasagot dahil sa sobrang takot.
Kinasuhan ako ni Jeff ng kasong kriminal at kasong murder laban sa akin. Siya ay kasalukuyang nasa ospital pa at nagpapagaling. Habang ang babae niya na aking napatay ay kasalukuyang pinaglalamayan. Galit na galit ang mga magulang niya sa akin, lalo na ang ama nito na isa ring pulis. Desidido sila na ipakulong ako.
Lumaban ako sa korte gamit ang libreng abogado mula sa, Public Attorney's Office (PAO). Ngunit marahil ay makapangyarihan si Jeff at ang kanyang pamilya pagdating sa pera. Binili nila ang batas at natalo ako sa kaso. Hinatulan ako nang mahaba-habang taon na pagkakakulong. Nakuha din niya ang kustodiya ng aming mga anak. Halos hindi ko matanggap ang desisyon ng korte, at galit ako sa hindi makatarungang desisyon ng hukuman. Napagtanto ko na iba pala talaga kung may pera ang isang tao. Sobra akong dismayado sa batas.
"Pangako, Jeff. Babalikan kita, balang araw!" tahimik kong sabi sa aking sarili.
"Hoy! Lugar ko yan!" bulyaw ng isang bilanggo ang kama na aking inuupuan. Sa tingin ko iginagalang ito nang lahat.
Kalmado akong tumayo at umupo sa kabilang kama.
“Hey! Higaan ko ‘yan!” Inangkin din ito ng isa pang bilanggo.
“Pasensya na,” saad ko sa mahinahong boses.
Umupo na lang ako sa sahig, at niyakap ang aking tuhod.
Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga oras na nagdaan. Araw-araw at gabi-gabi akong umiiyak, sapagkat nangulila ako sa aking mga anak.
"—Hoy! Baka nakalimutan mong hindi ka nag-iisa dito! Kung gusto mong magpalipas ng gabi sa pag-iyak, pumasok ka sa banyo!" sigaw ng kasama kong preso.
"Turuan ng isang aral upang matuto!" sigaw na utos ng babaeng jail guard.
Tumayo ang anim na babaeng preso at pinagtulungan nila akong bugbugin, at wala akong kalaban-laban. Iniwan nila akong walang malay na duguan ang aking mukha, at pumutok ang aking labi.
Dahan-dahan akong nagising, at napagtanto na, nasa ibabaw ng kama na ako. Paglingon ko, nakita ko ang tatlong babae sa aking harapan. Nataranta ako at gusto kong tumayo.
"Oops! Dahan-dahan lang, hindi ka pa magaling," sabi ng isang babaeng umalalay sa akin.
“Huwag n'yo akong saktan, hindi ako lalaban,” nanginginig ako na nagmamakaawa.
“Huwag kang mag-alala, mabait kami rito,” tugon ng isa pang babae.
“Nasaan ako?” tanong ko at tumingin sa paligid.
"Hindi mo ba naaalala ang nangyari sa iyo? Ako si Amalie Salomon," pakilala niya sa akin.
"Ang natatandaan ko lang ay may anim na babae na pinagtutuunan akong bugbugin. Pagkatapos noon, wala na akong maalala." sagot ko naman sa mahinang boses.
"Gurl, alam mo ba? Tatlong araw ka nang walang malay. Inilipat ka dito sa selda namin na walang malay. Don't worry, mabait kami dito at simula ngayon, wala nang manakit sa'yo . Sapagkat kakampi mo kami dito," pahayag ng isa pang babae, at ngumiti ito.
"Salamat sa pag-aalaga ninyo sa akin. Balang araw, babawi ako.” Bahagya akong ngumiti sa kanila. “Ako pala si Jenny," dagdag kong pakilala sa kanila.
"Ako si Zeth Amora. Bakit ka nakulong?" seryoso niyang tanong sa akin.
Matagal bago ako nakasagot, bumalik sa aking alaala ang pangyayari, at bigla kong na-miss ang dalawa kong anak. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa akinng mga.
"Jenny... okay ka lang?" pag-alala na tanong sa'kin ni Amelie.
"N@pat@y ko ang b@b@e nang aking asawa. Pero hindi naman talaga siya ang dapat kung barilin. Tanging asawa ko lang naman sana. Subakit tumagos ang bala at tinamaan sa puso ang k@bit at namatay siya. Sana ang asawa ko na lang ang namatay. Sana ako na lang ang kasama ang dalawa kong anak..." Umiiyak ako habang patuloy sa pagsasalaysay.
"Sana pareho kamo silang namatay!! T@r@nt@do! Nagawa niyang dalhin ang k@bit niya sa bahay ninyo?! Sa harap pa ng mga anak ninyo! Puch@! Kung sa akin nangyari ‘yon, dila lang nila ang walang latay!" sabad ni Harissa. Isa siyang muslim, at dating rebelde
"Hindi tama ‘yan! Bakit ba madaling apihin ng mga mayayaman ang tulad natin na mahirap?" Malungkot na tanong ni Zeth, at sumandal siya sa gilid ng rehas.
"Hindi lang 'yan! Madali rin nilang baliktarin at bilhin ang batas!" sabat na tugon ni Glendy..
“Tama ka, iyan ang nangyari sa akin,” pagsang-ayon ko sa sinabi ni Glendy.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang biglang kumatok ang jail guard sa rehas ng selda.
"Lumabas ang lahat!" utos sa amin ng babaeng jail guard.
“S-saan tayo pupunta?” kinakabahan kong tanong.
“Oras na para sa tanghalian,” sagot ni Glendy.
"Dalhan ka na lang namin ng pagkain mo," wika ni Zeth.
"Hindi na. Kaya ko namang maglakad," katuwiran ko. Dahan-dahan akong tumayo at agad akong inalalayan ni Amalie.
"Salamat, Amalie..." saad ko sa kanya..
"Tawagin mo na lang akong Lie. Hindi ko ginagamit si Amalie," pagtatama niya sa akin.
"Sige, kung ‘yan ang gusto mo," sinang-ayunan ko siya.
Dahan-dahan ako na naglalakad, sapagkat ramdam ko pa rin ang sakit ng buo kong katawan. At itim pa ang mga pasa ko sa mukha at sa gilid ng aking labi. Kasalukuyan kaming nakapila sa kabilang bahagi, at bigla akong napaatras nang makita ko ang mga bumugbog sa akin.
“Bakit?” pagtataka na tanong ni Lie.
“Sila ‘yung bumugbog sa akin,” paanas kong tugon at nakayuko ako.
“Jenn, itago mo, baka sakaling galawin ka nila. Lumaban ka sa abot ng iyong makakaya, at huwag kang magpakita nang takot,” bilin ni Haressa. Palihim niyang iniabot sa akin ang maliit na kutsilyo.
“S-salamat...” nanginginig pa rin ang boses ko, dahil umiral ang aking nerbiyos.
Ilang sandali pa'y umupo na kami sa isang bakanteng lamesa, at katabi namin ang taga-kabilang selda. Nakita namin ang kanilang leder na gumagawa ng hindi magandang kilos. Sumenyas siya sa kanyang kasamahan, at tumango naman ito habang nakatayo.
"Jenny, Pinapatanong ni boss kung kamusta ang katawan mo? Masakit pa ba?" pabulong niyang tanong sa akin. Isa ito sa mga bumugbog sa akin.
“Jenn, ‘wag mo nang pansinin, at kumain ka na,” turan ni Glendy sa akin.
Tumawa ang babae bago muling nagsalita… “Alam mo bang malaki ang ibinayad ng asawa mo para turuan ka nang leksyon?” Pagtatapat sa akin. Parang gusto niya akong magalit. Napahawak ako ng mahigpit sa tinidor, nang marinig ko ang sinabi niya. Nadagdagan ang galit ko sa aking asawa, at hinding-hindi ko siya mapapatawad sa tanang buhay ko.
“Ano bang problema mo, ha?!” galit na sigaw ni Haressa, at itinapon sa mukha niya ang pagkanin.
Kumilos ang mga nasa kabilang lamesa. Nagsimula ang gulo sa pagitan ng dalawang grupo. Halos hindi ako makagalaw dahil sa sobrang takot, Ngunit nakipag-away sa kanila ang apat kong bagong kaibigan.
Sa tingin ko sapat na ang apat kong kaibigan para makipaglaban sa kanila, dahil marunong silang lumaban. Napansin kong papunta ang pinuno sa kabilang selda kay Amalie, na may hawak itong kutsilyo. Mabilis kong hinugot ang maliit na kutsilyo na binigay sa akin ni Haressa, at tumakbo ako upang sunggaban ang leder nila.