Ngunit hindi nakinig ang aking asawa, at sinunod ang utos ng kanyang b@b@e. Patuloy niya akong sinuntok at sinampal. Aksidenteng nahulog ang baril niya sa sahig, hindi niya ito napansin. Mabilis ko itong kinuha at itinutok sa aking asawa.
"Sige, lumapit ka!" sabi ko, na may kasamang pagbabanta. At kasalukuyang nakatutok ang
baril sa kanya.
Huminto si Jeff, at medyo nakaramdam ng takot. Mabilis nagtago sa likod niya ang kanyang k@b!t.
“—Jenny, ibaba mo ang baril!” utos niya. Pero hindi ko siya pinakinggan.
“Jenny...” tinawag niya ang aking pangalan, ngunit hindi ako nakikinig.
"Sobra na ang ginagawa mo sa akin! Nagtiis ako, sinunod ko lahat ng gusto mo, pero ano pa ba ang kulang?!" sigaw ko. Puno nang galit ang aking puso.
Putok ang aking noo at ang labi ko, dumudugo ito at kumalat na sa aking mukha. Sinubukan ko itong pinunasan gamit ang aking balikat. Sapagkat nanatiling nakatutok ang baril sa kanya.
“Jenny, ibigay mo sa akin ang baril,” hiling niya sa akin, at sinubukang lumapit sa akin.
“—Huwag kang lalapit!” Pananakot ko sa aking asawa. Pero matigas ang ulo niya at pilit pa ring lumapit sa akin.
“Sabi ko, huwag kang lalapit—” Pinutukan ko siya.
"J-Jenny..." putol-putol niyang tawag sa aking pangalan.
Tumama ang bala sa kanyang balikat, tumagos ito sa likod at tumama sa dibdib ng k@b!t niya. Ang sumunod na nangyari, sabay silang bumagsak. Ibinaba ko ang baril at tumakbo sa kinaroroonan ng aking mga anak.
"Mommy... mommy..." paulit-ulit nilang tawag sa akin, at nanginginig ang boses nila sa takot, at walang tigil ang iyak nila.
Natulala ako sandali at nanginginig ang buong katawan sa kaba at takot.
"Ayokong makulong, paano na ang mga, anak ko?" sigaw ng isip ko.
Naalarma ang mga kapitbahay, dahil sa putok ng baril, kaya agad silang tumawag ng pulis. Gumapang si Jeff palapit sa kanyang b@b@e. Kahit punong-puno ng nerbiyos ang aking buong katawan, sinubukan ko pa rin na maging matatag para sa mga anak ko.
"Bilis, kailangan na nating umalis dito," inutusan ko ang aking mga anak.
"Mommy, saan tayo pupunta?" tanong ng aking bunsong anak na mahigpit na nakahawak sa aking palad.
“Kahit saan!” ito ang tanging sagot ko, sapagkat kahit ako ay hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Nagmamadali kami na lumabas ng bahay, at hawak-hawak ang aking dalawang anak. Kahit maraming tao sa labas, hindi ko ito pinapansin. Ang mahalaga sa akin, makalayo kami sa mala-impyernong bahay. Sumakay kami ng taxi, at nagpahatid sa bahay ng aking magulang. Ilang minuto ay huminto na ang sinasakyan naming taxi.
“Mommy, hindi ba natin babalikan si daddy?” tanong ng panganay kong anak.
“Hindi na,” sagot ko, at niyuko ko ang aking ulo.
Niyakap ko ang aking dalawa anak, na tanging nagpalakas sa akin. Hanggang sa makarating kami sa bahay ng aking ina. Magamat wala akong dalang pera, kailangan ko pang humiram sa aking ina. Nagtataka siya kung bakit bigla kaming umuwi at walang dala kahit isang gamit.
“Jenny, sinasaktan ka na naman ba ni Jeff?” tanong ng aking ina.
“Nay, tulungan mo ako, ayokong makulong!” Umiiyak ako, sabay niyakap siya, na nanginginig pa ang aking buong katawan.
“A-anong nangyari?” nagtatakang tanong niya, at tumingin sa mga anak ko.
"Lola... si daddy may dinala siyang babae sa bahay, tapos pumasok sila sa kwarto nila mommy..." sumbong ng panganay kong anak.
"Ano?! Jenny, totoo ba ang paratang ng anak mo?" gulat niyang tanon, at nabigla siya.
“Oo, ma, at hindi ko sinasadyang barilin sila.” Umiyak ako na tumugon sa kanya.
“Diyos ko!” bulalas ng aking ina.
"Ma, natatakot ako na baka makulong ako. Paano na ang mga anak ko?" Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Mommy... ‘wag kang umiyak. Hindi mo naman kasalanan, eh," Iwika ng panganay kong anak at niyakap ako ng mahigpit.
"Michelle, Richelle, makinig kayong mabuti kay mommy. Mahal na mahal ko kayo,sobra. Kahit anong mangyari, huwag ninyong kalimutan ‘yan," naluluhang sabi ko sa kanila.
“Opo, mommy. Mahal ka rin namin,” sagot ng mga anak ko.
"Michelle, ipangako mo na hindi mo iiwan ang kapatid mo, lagi mo siyang babantayan at poprotektahan," madamdamin kong saad.
“Yes, mommy, pangako po,” turant niya, at umiiyak siya habang nakayakap sa akin.
"Bakit, mommy? Iiwan mo ba kami?" inosenteng tanong ng aking bunsong anak.
“Hindi,” tugon ko, at niyakap sila nang mahigpit.
"’Wag ninyong kalimutan si mommy, ha?" Halos maninikip ang aking dibdib.
“Opo, mommy,” magkasabay nilang tugon.
Makalipas ang ilang oras ay dumating ang mga pulis sa aming tahanan at nakita ko ito mula sa bintana. Agad na kumatok ang mga alagad ng batas at handa akong sumama sa kanila.
“Magandang hapon, Jenny Lim?” tanong ng pulis pagbukas ko ng pinto.
“Oo, ako nga,” matuwid kong tugon.
"May warrant kami para sa iyo," paglalahad nito.
“Handa akong sumama sa iyo,” sagot ko. Inilahad ko ang dalawang kamay, at handa na akong maposasan.
"Jenny Lim, arestado ka dahil sa krimen. May karapatan kang manahimik. Anumang masasabi mo at gagamitin laban sa iyo sa korte ng batas. Kung hindi mo kayang magbayad ng abogado, may tutulong sa iyo. Naiintindihan mo ba ang mga karapatan na binasa ko sa iyo?" pahayag ng pulis sa akin.
“Opo, naiintindihan ko,” saad ko.
“Mommy...” Umiiyak ang dalawa kong anak. Habang pinagmamasdan nila ang mga posas na inilagay sa aking mga kamay.
"Ma, alagaan mo ang mga anak ko, parang-awa mo na," sabi ko, habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha.
“Anak, hahanap ako ng abogado na makakatulong sa iyo.” Mangiyak-ngiyak ang aking habang nakayakap sa akin.
Ipapasok na sana ako ng mga pulis sa kanilang sasakyan, nang bigla akong tinawag ng dalawa kong anak.
“—Mommy... mommy.” At niyakap nila ako sa aking mga hita.
"Huwag kayong mag-alala, babalik si mommy." Pilit akong ngumiti kahit tumutulo ang aking mga luha, at yakap-yakap ko ang aking mga anak. Pakiramdam ko ito na ang huling beses na mayakap ko sila.
"Maawa po kayo, sir— Huwag ninyong kunin ang mommy namin. Huwag po, sir." Umiiyak ang dalawa kong anak habang nakataas ang kanilang mga kamay para harangan ang mga pulis.
“Mommy… huwag kang sumama sa kanila!” Nagmamakaawa sila sa akin.
"Michelle, tandaan mo ang mga tagubilin ni mommy. Tandaan mo, okay? Mahal na mahal ko kayo." Hinaplos ko ang mga mukha nila. Hanggang sa sumama ako sa mga pulis.
"—Mommy… mommy..." sigaw nila, habang umaandar na ang sasakyan ng mga pulis.
“—Mommy…” sigaw ni Michelle, habang hinahabol niya ang sasakyan.
Kitang-kita ko ang aking panganay na anak, na paulit-ulit na nadapa at bumabangon rin nang paulit-ulit.
"Michelle..." sambit ko sa mahinang boses, at walang tigil ang aking luha, sapagkat naaawa ako sa panganay kong anak.
"Lola... ano’ng gagawin nila kay mommy?" tanong ng aking bunsong anak.
“Ikukulong nila si mommy ninyo. Pero hahanap ng paraan si lola," pahayag ng aking ina.
Hanggang sa nakarating na kami sa estasyon ng mga pulis. Habang naglalakad ako, sobrang akong kinakabahan dahil sa iba't ibang mukha na aking nakikita, ang iba ay puro tattoo sa katawan.