Alyas Pogi AiTenshi July 12, 2017 Part 42 Mabilis lumipas ang mga araw sa buhay namin ni Bogs, dati pa rin ang aming relasyon, matibay pa rin ito at habang tumagal ay mas lalo pang nag iigting. Masayang masaya ako lalo't nasaksihan ko ang pag babagong buhay niya, ngayon ay hindi na ito nakikipag away sa labas at nakatambay sa kanilang compound kapag weekend kasama ng mga barkada. Naging maayos rin ang kilos nito na parang isang propesyonal lalo't ginawa na talaga siyang assistant ni papa sa trabaho sa pag aabugado. Taga dala ng mga files, taga tawag sa mga dapat tawagan at minsan ay kasama rin ito sa mga hearing. Dito niya ginugol ang kanyang buong bakasyon kaya't naging kapaki pakinabang ito. Madalas rin kaming lumilibot o kaya ay nag oout of town kasama sina mama o kaya ay