Alyas Pogi AiTenshi July 13, 2017 Isang malakas na palo pa at bumulagta na ito.. Napasigaw nalang ako at nasa ganoong posisyon naman ako ng biglang may humampas rin sa aking likuran dahilan para bumulagta ako sa lupa. Unti unting nag dilim ang aking paningin at dito ay naaninag kong sinukluban nila ng sako sa ulo si Bogs at isinakay sa kanilang sasakyan. Wala na akong naalala pa. Part 43 "Bogss!!!" ang sigaw ko sabay balikwas sa higaan. Dito ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng clinic ng kaibigan ni mama. Sa aking tabi naroon si mama at Bayani na hindi maitago ang pag alala. "Maa dinukot si Bogs ng mga kaalitan niya sa compound! Hanapin natin sila!!" ang wika ko habang pilit na umaalis sa aking higaan. Damang dama ko pa rin ang sakit ng aking batok,