bc

Her Deepest Secret

book_age18+
131
FOLLOW
1K
READ
HE
powerful
boss
heir/heiress
blue collar
drama
bxg
loser
detective
office/work place
secrets
like
intro-logo
Blurb

Hindi ganoon kadali ang buhay para kay Glaiza Quijano. Ginagawa naman niya ang lahat pero mailap ang swerte sa buhay niya. Kung sana lang ay maganda siya, okay na sana. Kung maganda ka, tanggap ka nang mundo. Swerte din ang lalapit sa ‘yo. Malas na nga sa trabaho, malas din sa pag-ibig. Kaya sa edad niyang 25 years old ay hindi niya pa naranasang umibig.

Kahit na hindi siya kagandahan ay mataas pa rin naman ang standard niya pagdating sa lalaki. Hindi na nga siya maganda, mahirap pa siya. Kaya hindi p’wedeng hahanapin din nito ay katulad niyang isang kahig, isang tuka sa buhay.

Kaya naman hindi siya papayag na hanggang tanaw na lang siya sa lalaking gusto niya—si Jericho na isang hotel manager sa Canyon Wood Resort and Club Manila na pinagtatrabahuhan niya. Kaya gagawin niya ang lahat kahit na magpaayos pa siya ng mukha para magustuhan lang nito ay gagawin niya!

Kaya lang ay nabuking siya ng katrabaho niyang si Crisanto Dimasalang—ang bagong janitor na dating tinuruan niya.

Si Crisanto Dimasalang na okay naman sana pero wala namang pera kaya kahit gusto niya ito. Hindi niya hahayaan ang sarili na mahulog sa lalaking kapareho niya ring dukha!

Makukumbinsi kaya niya si Crisanto na hindi siya ang kaibigan nitong si Glaiza at siya ay si Catriona? O tuluyan siyang mapapaamin? Paano na ang sikreto niya? Paano na ang plano niyang mapa-ibig si Jericho kung may Crisanto Dimasalang na pumipigil sa kanya?

chap-preview
Free preview
SIMULA
PINAHID ko ang tagaktak na pawis sa aking noo. Tirik na tirik ang araw pero ako talaga ang inutusan ni Miss Iya na kolektahin ang mga basura at itapon sa truck. "Late na kayo, Andoy! Ang init-init na tuloy." Nakasimangot kong sabi habang inaantay na maubos nila Andoy ang mga black trash bags sa garbage push carts. "Nasira kasi itong truck sa kalsada. Hindi na nga dapat kami tutuloy. Kaya lang naayos din naman. Bakit ikaw nagdala nito? Nasaan si Arnel?" Mas lalong lumukot ang aking mukha. "Naku napag-trip-an na naman siya ni Miss Iya. Kahit andiyan si Arnel ay sinama na naman siya sa akin," singit ni Jomar. Isa sa mga janitor sa pinagtatrabahuhan kong resort and hotel.  "Bakit?!" nakiusosyong sigaw ni Andoy habang nagtatapon na sa truck. "Wala! Favorite lang ako no'n lagi utusan. Bilisan mo na. Marami pa akong lilinisin sa loob," aburido kong sagot sa kanya. Napapangisi lang si Jomar sa sinabi ko. Inantay pa naming matapos si Andoy bago kami nagtulak ng garbage push cart papasok sa loob ng resort. May designated area talaga para sa waste management. Dito kami palagi, sa lugar kung saan hindi nakikita ng mga guests. "Palagi ka kasing outstanding employee sa department natin ayan tuloy pinag-iinitan ka. Huwag mo kasing galingan!" Natatawang biro ni Jomar. "Ginagawa ko lang 'yong trabaho ko. Tsaka ang habol ko kasi do'n 'yong prize." Iniwan namin ang push cart sa gilid at naglakad ulit papunta na sa CR. "Taon-taon ikaw na lang. Naka-thirty thousand ka na 'di ba?" Hindi ko siya sinagot. Tuwing may annual year end kami, nakakasama ako sa outstanding employee sa department namin. May sobre na inaabot sa amin at may halagang fifteen thousand sa loob niyon. Natigil kami ni Jomar nang makasalubong namin si Miss Iya. Nakasimangot na naman siya. Si Miss Iya iyong Facilities Manager. Pinapasama niya ko talaga sa sanitation para lang magtapon ng basura. "Dito na muna ko, Glaiza," mabilis na paalam ni Jomar nang matapos alanganing nginitian si Miss Iya. "Glaiza, kulang na nang janitress sa second floor. Basang-basa na ang sahig sa hallway! Bakit ang tagal mo magtapon ng basura?" iritable niyang tanong sa akin. Nakataas pa ang kilay niya. "Miss Iya, katatapos lang po namin kasi madami iyong mga trashbag—" Hindi ko natapos ang sasabihin dahil sumabad na siya. Umungol siya sa iritasyon bago nagsalita. "Mag-sanitize ka muna bago ka umakyat sa taas. Tulungan mo sila Marj," anito at tinalukuran ako. Hindi pa ko kumakain! Lunch break naman na. "Pero Miss Iya—" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil nilingon niya ako at binigyan nang matalim na tingin. Laglag ang aking balikat at hindi na lang nagsalita. Tinalikuran niya akong muli at naglakad na palayo. "Ako na rito!" sabi ko kay Marj nang maabutan itong nagma-mop ng sahig. Tulak-tulak ko na ang janitorial cart. "Hay, buti naman! Kanina pa kami dito. Hindi na natapos ang basa sa sahig. Itong mga guests dito kanina pa pabalik-balik galing din sa pool," reklamo niya habang nilalagay ang mop sa janitorial cart. Hindi na ako nagsalita kahit na kanina pa ay marami na sana akong sasabihin. Iniwan ako ni Marj at lumipat sa kabilang hallway. "I'm sorry..." sabi ng matandang babaeng guest na kalalabas lang sa elevator pero basang-basa ang kanyang damit. Hindi rin kasi maiwasan na hindi sila aakyat o pupunta sa kwarto nila na hindi basa dahil nga may mga pools at beach dito. Pinipili ng guests na after nila maligo ay didiretso na sa kwarto kahit na may mga designated na bathroom naman sa baba. Ngumiti lang ako at nag-mop na lang ng sahig kung saan ay may patak ng tubig. Nag-iwan ako ng caution doon dahil minsan may mga bata o kahit na matanda na tumatakbo kahit basa ang sahig. "Jesus! I don't know what's the problem with you na talaga, seriously!" Napalingon ako sa baritonong tinig na galing lang sa kabubukas na elevator. Napatuwid ako ng tayo at ngumiti sa mga guests na mukhang katatapos lang din umahon sa pool dahil sa basang damit nila at sa tumutulo na namang tubig sa sahig. Napangiwi iyong babae nang dumapo ang kanyang mga mata sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at inantay silang umalis na mukhang nagtatalo pa sila ng kasama niyang babae din habang naglalakad sa hallway. Pinasadahan ko tuloy ulit ng mop iyong sahig.  Hindi yata ako matatapos nito hanggat may umaakyat na guests na basa ang katawan. "Glaiza!" Nilingon ko si Pearl na isang housekeeping utility. May bitbit pa siyang gamit pang linis sa kwarto. Binigyan niya agad akong nakakadiring tingin. "Bakit? Manlalait ka na naman? Nagtatrabaho ako, ha," may halong pagbabanta sa tono ng boses ko. Aminado ako na hindi ako kagandahan. Hindi ako tulad ng iba na habulin dahil sa maamong mukha. Kung ang iba ay hinahabol, ako? Tinatakbuhan. Isa lang naman si Pearl sa nagpaparamdam sa akin na hindi ako maganda. Hindi rin papasa sa normal standard ng mga tao kaya nga kahit nakatapos ako ng college, hindi naman ako matanggap-tanggap sa kahit anong trabahong gusto ko. Bakit kasi kailangan with pleasing personality. Hindi ko siya pinansin. Binalikan ko na lang ang ginagawa kong paglilinis ng sahig. "Akala ko ba doon ka naka-assign sa mga comfort rooms? Bakit ka nandito sa building?" usisa niya at nilapitan pa ako para silipin ang ginagawa kong pagma-mop sa sahig. "Si Miss Iya ang nag-assign sa akin dito," sagot ko.  "Weh? Tinatago ka nga niya sa sanitation area at sa mga comfort rooms tapos ilalagay ka niya dito? Baka magtakbuhan 'yong mga guests natin kapag nakita ka? Charot!" sabay tawa kahit na siya lang naman ang natatawa. Hindi ako sumagot at umigting ang aking panga. Magdadalawang-taon na ko rito sa trabaho pero ngayon ko na lang nararamdaman iyong pagkapikon. Nitong mga huling buwan dahil paulit-ulit akong tampulan ng tukso. Pagsasabihan sila ng management pero uulit pa rin naman. Puro warning, hindi naman pinatatanggal. Paano isa rin naman iyong HR namin sa wagas kung makalait at kamag-anak pati ni Miss Iya. "Huy! Eto naman 'di na mabiro. Joke lang 'yon, eh!" sabi ni Pearl at natatawa pa akong naitulak ng marahan. Huminga ako ng malalim at humigpit sa hawak kong mop bago ko siya binalingan. "O, ikaw na mag-mop ng sahig dito. Buong hallway na 'to ang i-mop mo tutal kinukwestyon mo kung bakit ako nandito. Doon na lang ako sa comfort room maglilinis. Atleast doon walang katulad mo. Mas gusto ko pang maamoy ang baho sa banyo kaysa sa baho ng bibig mo. Isang buga lang ng salita, nahihimatay na ko," sabi ko at galit kong inamba sa kanya ang mop at ako na ang humawak sa kamay niya para hawakan nito ang mop pero umiling ito agad. "Ayoko nga! Tapos na ko sa duty ko, noh!" sabi niya at tinalikuran agad ako. Bumuntong-hininga na lang ako. Ganito ang sitwasyon ko sa resort na 'to pero nagtiya-tiyaga ako. Sa totoo lang, maganda ang benefits dito. Hindi ko pa nakikita iyon sa ibang trabahong napasukan ko. Tapos sa maigsing panahon eh naka-ipon na ko ng pera. Kaya ayoko sanang umalis pero nakakainis talaga ang mga tao rito. Wala akong magawa kundi magtiis. Nakatulala ako sa harap ng salamin habang inaalala iyong mga pangyayari kanina sa resort. Araw-araw akong nakikibaka sa mga panlalait. Nakakapagod din talaga. Pinahid ko ang luha na hindi ko na namalayang tumulo na pala. Darating ang panahon na hindi na nila ako lalaitin. Darating ang panahon na magugustuhan ako ng lahat. Iyong makita pa lang ako ay kagigiliwan na nila ako. Hindi tulad ngayon. Hindi iyong kapag nakita nila ako ay naiinis agad sila. Nawawalan pa ng gana. "Miss Iya akala ko po ba sa susunod na linggo pa po magbabago ang shift ko?" tanong ko nang malaman na pang-gabi na ang duty ko. Uuwi ako ng alas-tres ng madaling araw. Sanay naman na ako kaya lang kung papipiliin ay syempre mas gusto ko na morning shift. Delikado rin kaya ang bumiyahe sa gabi. Iyong mga walang halang ang kaluluwa, hindi basehan ang mukha kapag demonyo ka. Basta panlaman tiyan, p'wede na sa kanila. "Nagrereklamo ka ba? Naka-leave si Carlito buong linggo at kulang nang tao sa night shift kaya ikaw ang papalit." "Uh, hindi naman po," mahina kong sambit at napanguso na lang. Nagpaalam din ako agad at umalis na sa kanyang opisina. Ganoon ang set-up tuloy sa sumunod na linggo. Naging pang-gabi ako. "Sunduin ka kaya ng Papa mo? Delikado umuwi ng ganyang oras. Hindi ba dumami ang kaso nang holdap-an sa atin?" sabi ni Mama nang maabutan niya akong nagsusuot na nang medyas. "Bawal naman mapuyat si Papa tsaka sobrang agad niya magigising naman. Pag-uwi niya hindi naman makakatulog agad," sagot ko. "Kaysa naman umuwi ka nang ganyang oras. Naku, Glaiza. Nag-iisa ka lang. Mahirap na," sabi niya at napailing na lang. Tumayo ako matapos suotin ang sapatos. "Ma, walang magbabalak sa akin na kidnap-in o holdap-in ako. Baka sila pa ang matakot sa akin. Ako pa ang mapagkamalang holdaper." Natatawa kong sabi. Naka-uniform naman ako pero naka-jacket ako na itim palagi at tinernuhan ng black cap. "Sinong nagsabi sa 'yo? Walang pangit sa mata ng demonyo, Glaiza. Maganda ang katawan mo at malinis ka. Ipikit lang nila 'yong mata nila p'wede ka na." "Ma!" Napapadyak ako sa iritasyon.  Kahit sa bahay, hindi ako ligtas sa panlalait ng Mama ko. Sanay na ako pag sa kanya. Sabi nga niya dapat masanay talaga ako at alam ko kung ano 'yong kapunapuna sa akin para pag lumabas ako ng bahay at asarin man ako ng ibang tao ay hindi na ako masasaktan kasi alam ko 'yong katotohanan. Kaya lang nararamdaman ko na 'yong sakit kapag paulit-ulit naman. "O, 'di ba? Tama ako. Walang pangit sa mata nila kaya mag-ingat ka pa rin." Alam ko naman 'yon. S'yempre, sinusubukan ko lang na makampante si Mama kaya iba ang sinabi ko. "Hindi ko alam kung dapat ba kong magpasalamat o maiinis ako kasi parang nilalait mo ko." "Hoy, Glaiza. Sinasabi ko lang ang totoo. Pareho lang din naman tayo. Isa pa, ang mahalaga dito mahal tayo ng mga taong mahal natin. Hindi tayo nanapak ng ibang tao para sa pansariling kapakanan. Gawin mo lang ang kung ano ang tama. Pero kapag sumobra na sila ng pang-aapi. Aba, huwag kang pumayag! Hindi kita pinalaki para i-bully ng iba." Ngumuso ako. Hindi ko naman kailanman nakwento sa kanya ang tungkol sa trabaho. Ang alam nila ni Papa ay napakaganda sa trabaho ko. Tatlong linggo akong nagpang-umaga, kaya nang pang-gabi na. Naninibago ako. Humihikab na ako habang nagtatali nagtatapon ng basura sa malaking trash bag. "Miss pasabay." "Sige po," sagot ko sa guest na nakitapon ng milkshake cup niya doon sa trash can kong tulak-tulak. "Glaiza! Kakain na ko. Break time na. Tara!" Sumilip sa pinto si Jose, iyong kasamahan ko ring janitor. Halos lalaki mga kasamahan ko. Palabiro man sila pero hindi tulad ng mga babae na iba ang dating sa akin talaga. Plastik silang lahat sa paningin ko at mga laitera. Kasabay ko si Jose sa pagkain. Mabuti na lang at nakasabay ko siya sa shift kaya may kakwentuhan ako. "Ang tipid mo. Nakakuha ka naman fifteen thousand, ah! Dapat bumili ka naman ng fried chicken. Reward mo sa sarili mo," puna ni Jose nang makitang sardinas na naman ang ulam ko. "Ayoko. Nag-iipon ako." Binuksan ko ang delatang sardinas at nilagay na sa ibabaw ng kanin ko. "Marami ka na sigurong ipon. Kasi bukambibig mo palagi kailangan ko mag-ipon. Nag-iipon ako. Para saan ba? Ba't ayaw mong sabihin?" usisa ni Jose sabay subo nang ulam nitong adobo. "S'yempre para sa future. Hindi ko naman alam kailan ako may trabaho. Kailan ako malakas. Kailan kami malusog. Paano kung one day may nagkasakit sa amin. Kulang pa 'yong pambayad sa HMO. Saan kami kukuha ng pera. Ako lang naman nagtatrabaho sa amin." "Grabe ka naman! Tsaka mo na isipin 'yon. Kaka-overthink mo, hindi mo na na-e-enjoy ang kinikita mo. Kaya ka nga nagtatrabaho kasi nga kailangan mo ng pera at makakain ng masarap. Kaya dapat bukas bumili ka na nang manok. 'Yon ulam mo. Habang wala pa, heto, tikman mo 'yong adobong luto ng misis ko." Ngumuso ako. Sa totoo lang ay nag-iipon ako dahil may balak ako. Naglipana ngayon 'yong pagpaparetoke. Ang ganda nang gawa at lagi kong nakikita sa social media. Balang-araw, makakapag pa-rhinoplasty ako. Magpapa-surgery ako talaga. Kapag ako gumanda. Who you sila!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
242.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.8K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
38.2K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.3K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
92.1K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
48.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook