04

1122 Words
Khairo Aragon's POV; "Lacson?yung butler natin?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo at mapapaaga ang pag alis niyo dito." Ani ni kuya L. "Sagad na talaga ang kademonyohan ni papa pati ang mga tauhang buong buhay nila pinaglingkuran siya ipapapatay niya." Nanggagalaiting sambit ni kuya Phantom. "Airo,Jedal at Trigger mauna na kayo sa pampang may yacht dun na nakaparada andun si Claude at kayo na bahala kung pano kayo makakalapit dun ng walang nakakaalam." Ani ni Kuya L. "Hellion,Hector,Killua at Luther libangin niyo ang mga tauhan ni papa... alam niyo na kung pano at sumunod kayo pag nakarinig kayo ng putok." Dagdag ni Kuya L bago tingnan sina kuya Bullet na nag sstretch at tumayo. Karaniwan kaming napupunta sa labas ng isla sa manila at iba't ibang bansa pero hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ng malaman kong aalis kami sa islang ito para maging malaya hindi pumatay. --- "May apat sa kaliwa,may dalawa sa kanan." Bulong ni Kuya Trigger na kinaingit nito bago mapahawak sa ulo. "Ayos ka lang?" Bulong ko at hahawakan ko siya ng mabilis nitong tinabig ang kamay ko. "Ayos lang ako." Habol hiningang niyang sagot na kinatahimik ko. Sa lahat si Kuya Trigger lang talaga ang hindi ko mabasa ang ugali madalas kasi itong tahimik at walang imik. "Kumilos ma tayo nagbigay na ng signal si Claude." Bulong ni Jedal na may hawak na binocular. Nang mag gesture na si Jedal mabilis kaming tumakbo sa magkabilang bahagi ni Kuya Trigger at isa isang pinatay ang mga bantay dun ng walang nakakaalam. "Young master nasa deck na lahat ng kailangan niyo paalis." Bungad ni Claude bago ako tulungang umangat ng makalapit kami sa yacht sasakyan namin. "Jedal!" Sigaw ko ng makita ko itong tumatakbo itong lumapit sa barko hilahila si Kuya Trigger na mukhang wala sa sarili. "Airo si kuya Trigg---." Mabilis kong sinikmuraan si kuya Trigger ng makipag agawan ito ng baril kay Jedal habang papaakyat ng yacht pero bago pa ito bumagsak inalalayan ito ni Claude at inakyat. "Pupuntahan pa ba natin sina kuya?" Tanong ko kay Jedal habang nakatingin sa maitim na usok na nanggagaling sa pinakagitna ng gubat. "Hindi na kailangan andito na sila." Sagot ni Jedal bago umalingaw ngaw ang sunod sunod na putok na nanggaling kung saan kasabay ng malakas na ingay na nanggagaling sa basement. "Sumakay na kayo bilis!" Sigaw ni kuya Bullet. "Ayoko!sina mama!kailangan ko sila balikan!" "Mama!" "Bitawan niyo ako ako ano ba?!". Hindi na ako nagulat ng bigla na lang himatayin yung anim na batang babae na umiiyak ng magpalipat ng mini bees si Kuya Hector. "Umalis na kayo bilisan niyo parating na sila." Utos ni Kuya L bago tumalon buhat ang isang babae at iabot sakin. "Anong kayo kuya?hindi ka sasam---." "Hindi ko mapipigilan si papa sa mga gagawin niya sainyo once na mahanap nila kayo pag sumama ako Airo." Putol ni Kuya L bago tumingin sa kung saan. "Umalis na kayo bilisan niyo!" Sigaw ni Kuya L kina kuya Hector na dali daling pumasok sa loob para siguro paandarin ang barko. "Pero kuya pag nagpaiwan ka pwede kang patayin ni papa." Nag aalalang sambit ko na kinatingin ni Kuya L. "Ako ang susi para sa kapangyarihan niya kaya hindi niya yun gagawin sakin." Sagot ni Kuya L bago tumalikod at tumalon pababa kasunod si Claude. Habang papalayo ang yacht kitang kita ko kung pano nakipaglaban si kuya L sa mga tauhang gustong humabol samin. 'Sa pangalawang pagbabalik ko sa islang ito sisiguraduhin kong pagbabayarin ni papa ang ginawa niya samin.' Buhat ang babae naglakad na ako papasok at nakasalubong ko si Kuya Phantom na may hawak na ripple kasunod si Kuya Luther. "May mga nakasunod satin lumabas ka din agad Airo." Walang buhay na utos ni kuya Phantom pagkalampas sakin. 3rd Person's POV; "Hindi tayo pwedeng manatili dito." Naiinis na sambit ni Phantom bago ikasa ang manchine gun na nasa harapan at paulanan ng bala ang mga tauhan ng ama sa speed boat. "Merong speedboad sa pinakababa nitong yacht walo at sigurado namang kasya tayo." Suhesyon ni Luther. "Sabihan mo sina Hector Jedal sumakay na kayo sa Speedboad dalhin niyo yung mga babae sa loob at hanggat maari iwan niyo kung saan hindi makita nina papa ang mga babaeng yun pag nakaalis na kayo." Utos ni Phantom. "Kumilos na kayo bilisan niyo may mga paparating na helicopter!" Sigaw ni King dahilan para magsipasok lahat maliban sakanila nina Phantom na nagpapaulan pa din ng bala. Airo Aragon's POV; Nang maibaba na ang mga Speed boat mabilis na sumakay sina Kuya kasama ako. "Airo pumunta ka sa unahan isakaya mo sina kuya Phantom at kuya King." Utos ni Kuya Bullet na kinatango ko. Nang makaalis sila pinaandar ko yung speedboat kahit medyo nahihirapan ako dahil medyo maliit pa din ako. "Kuya Phantom!" sigaw ko na kinatingin nila sa baba. Nang makita ako may kinulikot muna sila sa mga machine gun na kusa ng pumuputok bago walang kaan anong tumalon sa speed boat kasunod si kuya King. "Dito kana." Ani ni Kuya King bago ako buhatin at nagpalit kami ng pwesto. "Putangna ayaw talaga tayo tigilan." Nanggigigil na sambit ni Kuya Phantom ng may mga humahabol pa din samin. "Jedal! Lahat kayo pumasok kayo kahit saang isla!pagabi na siguradong mahihirapan na silang hanapin tayo!" Sigaw ni Kuya King ng makapantay namin sina Kuya na agad nag gesture na okay bago naghiwa hiwalay. Patuloy sa paghabol samin ang nga tauhan ni papa ng---. "Talon!" Sigaw ni kuya King na kinalaki ng mata ko ng may bombang sumabog at lahat kami nahulog sa dagat. "Kuya!" Sigaw ko habang nagpapasag dahil hindi ako marunong lumangoy pero bago ako tuluyang pumailalim nakita kong lumangoy palapit sakin sina kuya King at kuya Phantom na may mga hawak na kung ano. Dinikit nila yun sa ilong at bibig ko at nag gesture na huminga. Dahil sa pakiramdam ko na kakapusin na ako huminga ako habang hawak yung oxygen na kinabit sakin ni kuya King hinila ako nina Kuya Phantom kung saan habang nasa ilalim ng tubig. May nagliliparang bala mula sa taas at nakita kong natamaan si Kuya Phantom sa braso babagsak ito ng kapitan ko siya at ginaya si kuya King kung pano lumangoy. Maya maya nawala na yung mga bala at may nakita akong napakalaking bato na nakahara mukhang ito yung isla. Pareho kaming umangat tatlo nina kuya Phantom ng makarating kami dun at walang kaano anong tinanggal ko yung oxygen at tumingin sa likuran. "W-Wala na." Habol hiningang sambit ko bago pilit na umangat. Mahuhulog ako pabalik ng kapitan ako ni Kuya Phantom at inangat. "Dito muna tayo magpalipas ng gabi." Sambit ni Kuya King na hanggang ngayon hinahabol pa din ang hininga. "Hindi naman na siguro tayo makikita ni papa dito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD