03

1063 Words
Khairo Aragon's POV; "Kamusta ang mission?" Tanong ni kuya Luther ng makasakay ako ng kotse. "Gusto mo idetaild ko pa sayo kung anong ginawa ko?" Walang buhay na sagot ko bago damputin ang tissue na nasa gilid niya at punasan talsik ng dugo sa ibat ibang parte ng katawan ko. "Pati ba yung babae pinatay mo?" Tanong ni Kuya Luther na kinaismid ko. "Wala akong choice nakita niya ako at---ang pangit pala ng ng private part ng babae noh?" Out of the blue na sambit ko na kinaubo ni kuya Luther na umiinom ng apple juice. "What the heck Airo kailangan mo pa bang ishare yan?" Singhal sakin ni kuya Luther na kinapokerface ko. "Pero yung mission na mamatay ang target kinakamusta mo?" Banat ko na kinaismid niya. Kaming magkakapatid iba iba ang trip,hilig at ugali namin kaya madalas nagkakabanggaan kami lalo na sina kuya Phantom,kuya Bullet at kuya King na tipong pagnakakahawak ng patalim gusto laging magsaksakan. Pero kahit ganun nandun pa din yung masasabi mong bond. Hindi kasi nila ako... kami? pinababayaan sa kahit na anong misyon pag may nagagawa akong pagkakamali may dumadating para saluhin ako. --- "Ano iilag kana lang?" Nakapoker face na tanong ni Kuya Bullet ng puro iwas at salag lang ang ginagawa ko habang nag e-sparing kami. "Masakit pa yung likod ko okay baka bumuka." Naiinis na sagot ko bago tabigin ang paa niya pataas at umikot pero bago ko pa siya masipa mabilis nitong nabalanse ang tayo at walang kaano anong sinipa ako. Patuloy lang kami sa pag e-sparing ng may maramdaman akong mga nanonood samin na kinatigil ko ganun din si kuya Bullet. "May nanonood?" Tanong ko. "Mga anak lang yun ni butler Lacson."sagot ni Luther habang nagpapractice ng firing sa hindi kalayuan. "Butler Lacson?may anak pala siya?"sabat ni kuya Hector na nag aassemble ng kung ano. "Yun siguro yung mga batang babae na nakatira sa kabilang palasyo." Ani ko ng---. "Young Masters pinatatawag kayo ng inyong ama sa kabilang palasyo." Ani ng isa sa mga tauhan ni papa. Sa islang ito may dalawang palasyo ang isang palasyo na gawa sa ginto at mamahaling mwebles kung saan nanatili si papa at...ang mga pekeng Aragon. Habang ang isang palasyo naman ay nagmumukhang kulungan sa munti sa dami ng rehas at pinto na naglalaman ng kung ano ano...palasyo kung saan kami nanatili tago sa mata ng tao at karamihan. "Tsk." Ani ko ng makita ko ang mga kadenang dala ng mga tauhan ni papa. "Hindi halatang takot talaga sila satin noh?" Komento ni Jedal ng kadenahan ang dalawang paa niya. Ang mga kadenang ito tinatawag itong Electric Chain once na may ginawa kaming hindi maganda sa loob ng palasyo pag pinindot ng mga tauhan ni papa ang botton na nasa pinakadulo ng hawakan ng kadena wala pang sampung segundo mawawalan na kami ng malay dahil sa kuryente. "Sumunod na kayo samin Young masters." magalang na sambit ng mukhang butler sa kabilang palasyo dahil sa normal nitong aura. 3rd Person's POV; Tahimik lang ang mga batang lalaki habang naglalakad at napapalibutan ng mga black in men hindi kalayuan ang palasyo sa basement ng mga batang Aragon kaya agad namang nakarating ang mga ito dun. Nang makita ito ng mga tauhan,butlers at maids mula sa loob ng palasyo mabilis ang mga itong humanay at yumuko bilang pag galang. Tahimik ang lahat at tanging ang kalansing na lang ng mga kadena ang naririnig sa paligid ng---. "Yo." Napatingin ang mga batang lalaki ng may grupo din ng mga batang naglalakad pababa ng hagdan kasunod ang mga personal maids at butlers ng mga ito. "Kamusta ang buhay sa basement?" Nakataas ang gilid ng labing tanong ng binatilyong si Alpha. "Gusto mo maranasan?dumalaw ka minsan." Bored na sagot ng binatang si L bago ihead to toe ang binatilyo. "Kaso baka masira ang scanning machine ng basement pag pumasok kayo inii-scan kasi nun ang identity ng isang Aragon...mahirap na pure fake pa naman kayo baka hindi kayo makapasok." Nakangising sagot ni L na kinaubo nina Jedal at Hector na nasa magkabilang gilid ng binata. "Gago ka ah!" Mura ng binatilyong si Alpha pagkatapos nitong hablutin ang kwelyo ni L. "Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo." Nagdidilim ang anyong sambit ni Alpha na kinangidi ng binatilyo. "Baka nakakalimutan mo din kung sino at ano lang kayo dito." Nakangising banat ni L bago walang kaano anong itulak ni L si Alpha dahilan para mabangga nito ang mga kapatid na nasa likuran. "Young masters tama na yan." Pigil ni butler Lacson na pumagitna sa mga bata. "Pinatatawag na kayo ng inyong ama sa library kailangan niyo ng pumunta dun." Kalmadong sambit ng lalaki bago mag gesture sa mgs tauhang nagbabantay sa mga Aragon. Khairo Aragon's POV; Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng pagkatapos naming ipatawag ni papa biglang sinabi ni Kuya L na kailangan naming umalis. "What the hell kuya aalis kami at saan naman kami pupunta?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jedal sa pinakamatanda namin na ngayon ay nakatalikod at iniisa isang tanggalin ang kadena sa wrist niya. "Alam ko ang binabalak ni papa nakakahalata na siya." Ani ni kuya bago kami tingnan. "Hindi na baleng alam kong nasa labas kayo ng impyernong ito at nagpapalaboy laboy kaysa sa ibang bansa na hindi ko alam kung anong kahayupang gagawin sa inyo ni papa." Dagdag ni kuya na kinatahimik namin. Balak ni papa na ipadala kami sa ibat ibang bansa hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang pumapasok sa isip kong dahilan yun ay para pag hiwa hiwalayin kami. "Wala kaming alam sa labas kuya L at kung makalabas man kami siguradong hahanap at hanapin kami ni pap---." "Alam ko ang kaya niyo sa hindi Trigger at alam ko ding makakaalis kayo dito at makakalayo ng walang kahit na anong bakas." Putol ni kuya L na kinayuko ko. "Oras na may maibalik si papa dito ni isa sainyo...ako mismo ang papatay sainyo." Walang emosyong banta ni kuya L na kinatingin naming lahat. 'S-Seryoso ba siya dun?' "Sa linggo ang alis niyo at dapat makaalis na kayo bago dumating ang mga kinuha pa ni papang tauhan na exact 5pm sa sabado darating." Ani ni kuya L. At dun kami nagplanong maghiwa hiwalay kung ano mang plano ni kuya L walang nakakaalam. Basta sinabi niyang aalis kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD