I am silent the whole time. Pagkatapos akong mahimatay kahapon. Dinala ako ng pamilyang Montenegro sa kanilang hacienda, sa aking probinsya kung saan ako lumaki. Manuel gave me my vitamins na nirekomenda ng aking OB kanina. Ininom ko iyon at naging tahimik ulit. Bumuntong hininga si Manuel. “Kamusta ang pakiramdam mo?” Tanong nito at hinawakan ang aking mukha. Napairap ako. “Okay lang, hindi niyo na sana ako dito dinala. May trabaho akong naiwan sa Manila.” “Buntis ka Aurora, sabi ng doktor bawal kang mastress..” “Nastress na ako ng makita ko kayo ni Chloe na magkasama. Ni hindi mo sinabi sa akin na kasama mo siyang umalis ng bansa.” Sobra ang pintig ng aking puso dahil sa galit. Pumikit siya ng mariin at hinayaan kong kunin niya ang aking kamay at h