Chapter 5

1518 Words
                                                                     “Okay na ako.G-Gusto ko ng umuwi.” Ginamot ng doktor ang aking mga sugat. Ramdam ko ang sakit. Pero mas labis sa akin ang pag-aalala kay Lola. Baka ano ang mangyari sa kanya kapag nalaman niya ito.    Nakakunot ang noo at nasa akin ang seryoso nitong mata. Hindi nawala ang galit sa ekspresyon nito.    “Dito kana muna hija. Pinatawag ko na ang lola Tessa mo. Maya maya nandito na yun.” Si senyora Patricia na nakaupo sa aking tabi. May pag-aalala sa mukha nito.   Nahiya ako sa kanilang tulong sa akin. Naging abala pa ako sa kanila.“Maraming salamat t-talaga senyora..” Tinignan ko rin si Manuel. Tipid akong ngumiti sa kanya. “Salamat rin ,Manuel. Di ko talaga alam na ganon ang mangyayari. Pinagkatiwalaan ko po kasi si Mang Domeng kasi taga baryo natin siya.” Pumait ang aking sistema. Nahaluan ng galit at lungkot.   “Hindi na kayo iba sa akin hija. Lalo na ang lolo Berny at Lola Tessa mo. Matagal na silang magsisilbihan sa angkan. Kaya kahit sa ganito. Makatulong naman kami kahit paano.” Malambot ang ekspresyon ng mukha ni Senyora. Hindi mo aakalain na may anak na dahil mukhang bata pa rin at dalaga. “Manuel? What's wrong?” Isang babae ang dumating galing sa itaas ng hagdan. Dahan dahan lumipat ang tingin ko sa babaeng iyon. Mestisa at may kulay itim na itim na buhok. Sobrang straight iyon at mukhang malambot. Naka dress na kulay pink ang babae. Umangat ang tingin ko sa mukha nito. The epitome of beauty. Yan masasabi ko. Perpekto ang matang malalam,ang pilik matang malamanika. Malambot ang pulang labi nitong tignan at may dimple sa kaliwang pisngi.   “Chloe, gabi na. You should rest.” Si senyora. Nakita ko kung paano iakla nito ang kamay sa braso ni Manuel.   Ito pala siya,ang babaeng kasama ni Manuel sa dalampasigan. Ang nakita kong kahalikan niya. May kumudlit na sakit sa aking dibdib. Sobrang kabog ang naramdaman. Umiwas ako ng tingin at hindi na nag angat ng tingin pa. May mga binigay na gamot ang doktor at may tinanong sa akin kung ok lang ba ako. Kung walang kahiy anong dinadamdam emosyonal.   Kumalat ang nangyaring iyon na parang apoy. Maraming nag alala sa akin lalo na mga kaibigan ni lola. Hindi na rin ako lumabas pa at hinintay na lamang ang pag abre skwela. Kinalimutan ko ang masalimuot na nangyari sa akin. Nagpapasalamat dahil naligtas ako kahit paano. Kinalimutan ang pag nakaw sa aking ni Ezekiel ng unang halik. Kinalimutan maging si Manuel.   Alam kong hindi malabo ang pagkikita namin dito lalo na lupain nila ito. Gusto ko nalang ituon ng husto ng atensyon sa pag-aaral sa college. Tinanggap ko ang scholarship sa akin ni Senyor Patricio. Kaya nagkapag aral sa Stella Maris Academy. May ibang katulad ko na mahirap ang nakapag kolehiyo dito dahil sa scholarship. Ang unang araw ng pasukan ay naging masaya at magaan. Marami akong naging ka kurso na kakilala ko at kaibigan. “Grabe yung teacher natin no? Sobrang terror.” si Princes. Isang kaibigan at kapit bahay namin. “Mabuti rin maaga nag dismis e. Nakakakunsyume yung busangot niyang mukha e”. Si Maribel isa sa kaklase ko rin. Maaga ang dismisal namin sa unang araw ng pasok. Hapon at maganda ang sikat ng araw. Nagsusuka ang aming gate ng maraming studyante. Nakakasaya talaga ang college life. Masaya kapag maraming kaibigan. “Kim diba nakapasok kana sa mansyon ng Montenegro?” Tumango ako sa tanong ni Maribel. “Oo, doon nagtatrabaho si Lolo at lola e.” “Ang swerte mo! Ang gwapo naman kasi ng Magkapatid e. Sayang hindi nagtatrabaho si mama sa hacienda nila. Nasa Manila e.” Kumakain kami ng fishball. Naglalakad lang papuntang Masidlak Falls. Nasa tagong bahagi iyon ng niyugan. Dadaan pa sa manggahan at mga bulaklak. “Pag nagka pera lang ako ,pupunta akong Manila.” tila pangarap na sambit ni Princes. Tahak namin papuntang Masidlak falls. Pumitas ako sa rosas at nilagay sa aking tenga. Ngumiti ako kina Maribel at Princes na umawang ang bibig. “Bagay ba?” nangingiti kong tanong. “Ay ano ba yan. Tanggalin mo nga,nagmumukha kaming panget ni Princes e.” si Maribel. Humalakhak si Princes at ako. “Ang ganda mo kasi Kim. Nakakainggit. Bagay sayo sa Manila ka. Tiyak,pag aagawan ka doon. Mga mayayaman pa.”   “Kontento na ako rito. Masagana dito at malayo sa tukso. Sabi nila, sa mga naririnig ko. Ang manila raw maraming buildings at mga ilaw. Lalo na raw tukso.” Sabi ko at bumusangot.   “Pero maraming trabaho doon Kim. Totoo! Halos ipatikim na sayo yung trabaho doon. Hindi ikaw maghahanap kundi ang trabaho ang hahanap sayo.” “Kontento na ako rito. Tsaka, plano kong maging guro sa pampublikong skwelahan dito.”   “Bahala ka, basta ako. Gusto ko mag Manila.” Si Maribel.   Nakakaengganyo ang tubig ng sapa. Kulay asul iyon at kumikinang pa. Kitang kita ang bato sa ilalim nito. Napangiti ako at halos takbuhin naming tatlo ang lupa at isa isang tinabi ang sapatos. “Ang ganda ,sobra!” Manghang sambit ko at mas inakyat ang malaking bato upang tuluyang maka punta sa sapa. Napawi ang ngiti ng may makita. Sa kubo, Maraming nandoon. Sa dami nila isa lang ang nakanakaw ng aking pansin. Si Manuel na kasama ang dinig kong fiance niyang si Chloe. Nandoon rin si Ezekiel na nakikipagtawanan kasama ang ibang kalalakihan na kasing kisig at gwapo nila. Dinig na dinig ko ng tawanan nila. Tila nag iinuman pa. May kanya kanya silang kasamang babae. Bigla akong lumamya. “Ay ang swerte natin. Nandiyan ang mga Montenegro. May bonus pa!” Si maribel at humagikhik. Ang Masidlak falls ay dinadayo talaga ng taga Baryo minsan karatig barangay pa. Kaya natural lang dapat,pero bakit ang bilis bilis nang t***k ng puso ko? Umiwas ako. Hindi na sinulyapan pa ang kanilang banda. Dahil isa lang ang kubo rito. Napili nalang namin sa Malaking bato. Hinubad na ni Maribel at Princes ang kanilang uniform at nag panty at bra. Wala naman silang dapat ikahiya dahil magaganda ang katawan nila. Agad silang tumalon sa tubig habang ako nakaupo pa at tumusok sa fishball na dala namin at uminom sa juice.   “Kim! Dali! Ang ginaw ng tubig! Putek baka maraming ihi na dito!” Si Princes kaya humagalpak  kami sa tawa ni Maribel.   “Ano ka ba! May vitamins sa ihi!”   “Luh? Anong vitamins?”   “Vitamins UTI.” Humagalpak sa tawa si Maribel habang ako ay nabulunan.   Umecho iyong tawa naming tatlo. Napatigil ako at tinignan ang kubo at nalamang nakatingin na ang iilan sa amin. Mabilisan kong iniwas ang tingin. “Bilisan niyo! Hapon na o!” Sabi ko sa kanila ng lumangoy langoy pa silang dalawa. Naaliw sila sa pamumulot ng ibat ibang kulay ng bato. “Wow! Ang ganda.”  Dahil idadagdag ko na naman ito sa mga koleksyon ko para sa bracelet. Hinubad ko ang aking uniporme at nilapag sa bato. Naasiwa ako dahil kulay pink na bra at pink rin na panty ang suot. Lumusong ako sa tubig. Naghanapa ako sa ilalim nito ng iba't ibang bato. Nilagay sa kamay at nilapag sa mga gamit namin sa malaking bato. Napangiti ako sa ganda nito. Lumusong pa ako sa tubig at naaliw sa ilalim. Marami rami na akong nahawakan ng may humawak bigla sa aking paa. Napasigaw ako sa ilalim ng tubig. Ramdam kong may nainom ako. Agad akong bumalik sa ibabaw at nangapa habang habol ang hininga. Sa pagkapa ko may kamay na himawak sa aking baywang. Minulat ang mata at nakitang nakangisi si Ezekiel. “Bwesit ka talaga kahit kailan! Bakit mo yun ginawa?!” bigla akong nairita sa presensya niya. Nakatopless ito. Kita kong may tattoo ito sa katawan. Medyong batang bersyon ni Manuel. Kaso,pilyo at playboy to. Alam ko, marami na akong narinig tungkol sa kanya. Humalakhak ito at kinagat ang ibabang labi. “Nakita kasi kita. Medyo napapalayo kana kaya sinundan kita.” Inirapan ko ito at tinulak. “Kailan kapa nag alala? Kaya ko sarili ko.” “Kaya mo sarili mo pero muntik kanang magahasa noon. Alam kong galit ka sakin e. Pero ang unfair mo naman. Maayos ka naman sa kuya ko tapos sakin hindi? It hurts!" Umaksyon pa ito na tila nasasaktan. “Nagmamalasakit lang naman ako.”Dagdag pa nito. Hindi naman ako suplada e. Pero galit talaga ako ng hinalikan niya ako at masyado siyang swabe e! “Lumayo ka nalang kasi sakin. Nakakairita kasi pag mumukha mo.” “Oh?! Parang nag lilihi a. Nabuntis ba kita ng halik ko?!" s**t! Tinulak ko na siya ng malakas. Asar na asar na ako sa mga pasaring niya sakin. “Pwede bA?! Bakit ba lapit ka ng lapit sa akin?! Kung tingin mo madadala mo ako sa mabulaklak mo na bibig,pwes hindi! dun ka sa mga babae mo! Please!” Ramdam ako ang galit at pag init ng aking batok. Nakita kong natahimik ito at napayuko sabay tango. s**t! Ngumuso siya at tipid na ngumiti sa akin. “I'm sorry kung galit ka dahil sa halik. Masyado ka kasing maganda. Pero hindi ako bato, Kim. Tao rin ako. Pasensya.” Nakaramdam ako ng guilt sa dibdib. Napalunok ako ng seryoso siyang tumalikod. Bakit ako naguguilty at naghihinayang?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD