Nag usap si tito Franco ,tita Cora at Manuel. Dahil sa mga nangyari nakaramdam ako ng pagod. Pag uwi namin sa villa ay agad akong humilata sa kama. Marami akong inisip. Nagtugma tugma ang mga sinabi ni Empress sa kwento ng lola ko. Nakita lang nila ako noon sa gubat na nasusunog. Mula pa nang bata ako, alam ko na wala akong magulang at tinuring parin akong tunay na anak na lolo at lola. Kahit ang pagtulog ko ay hindi naging mahimbing. Maraming gumagambala saking isipan. Hindi ako mangmang para hindi makuha ang lahat na ito. Patuloy sa pagkatok ang katotohanan sa aking isipan na, maaaring ama ko si tito Franco, ina ko si tita Cora, at kapatid ko si Empress. Bumukas ang pintuan ng kwarto ilang minuto mula ako'y magising. Dumapo agad ang mga mata ni Manuel sa akin. His devi