Eliza's POV "Ate, kumakain ka ba ng bangus?” tanong ni Julie. “Pritong bangus kasi ‘to, tsaka pinagtimpla na rin kita ng kape.” Lumapit ako sa kaniya, pinilit kong ngumiti. "Salamat…nag-abala ka pa talaga, Julie.” “Ayos lang po, Ate Eliz." nakangiting sagot niya. “Magaling na po ba ang paa mo?” “Medyo." “Ganoon po ba…” tumango siya, pero hindi nawala ang kislap ng mga mata niya habang palinga-linga sa kwarto. Buti na lang talaga… naligpit ko na ang mga kalat sa sahig. Kung hindi baka nakita niya ang mga saplot kong punit na nagkalat sa sahig. “Bakit wala kayong pictures ni Kuya Keanne dito sa kwarto niyo?” bigla niyang tanong. Kahit sino naman talaga mapapansin 'yon. Kami lang yata ni Keanne mag-asawa na walang pictures na display sa aming kwarto. Tinanggal iyon ni Keanne kaya

