Eliza's POV Hinintay kong tumambad sa aking harapan ang pumasok dito sa kwarto. Kumabog ang dibdib ko habang papalapit ito. Sigurado akong si Keanne ang pumasok. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ko ng makitang hindi ito si Keanne kundi isa sa mga maid na si Kim. May dala itong tray ng almusal habang nakangiti sa akin. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa aking kumot. Ramdam ko ang init sa aking pisngi. Hubo’t hubad ako sa ilalim nito at baka mahalata ni Kim. Nakakahiya. “Good morning po, ma’am.” bati niya tsaka ito naglakad palapit sa akin. Inilapag niya ang tray sa bedside table. Nginitian ko siya. “Ang sir mo? Nandiyan ba siya?” “Ma’am, kanina pa po umalis si, sir.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin. Hindi niya man lang ako ginising o 'di kaya hinintay man lang n

