Third POV Naiparada na ni Mang Ador ang sasakyan sa tapat ng malaking pintuan ng bahay, nang balingan ni Keanne ang asawa tulog na ito sa balikat niya. Niyugyog niya ang balikat nito ngunit hindi pa rin nagising. Hindi nagmulat ng mga mata. Kaya wala na naman siyang choice kundi ang buhatin ito. Isinampay niya lang ulit ito sa kaniyang balikat. Paglabas ng kotse ay sinalubong siya ni Mang Ador. "Sir, kailangan mo ba ng tulong?" "Huwag na. Ihatid mo na lang ang kotse sa garahe.” malamig ngunit kalmadong utos niya. “S-sige, sir.” Umalis si Ador sa daraanan kaya tuloy-tuloy siyang naglakad papasok sa malaking pintuan ng bahay. Pagpasok niya ay sinalubong siya ni Brenda. Kinukusot-kusot pa ang mga mata. Mukhang nagising ito pagkadating nila. “Sir, a-ayos lang ba si Ma’am?” nag-aalala

