Eliza's POV Wala sa isip ko na mabubuntis ako. Hindi ko talaga naisip ‘yon kahit pa ilang beses nang may nangyari sa amin ni Keanne. Hindi ko rin pinansin na isang buwan na akong delayed. Akala ko normal lang, baka hormones ko lang nagbago dahil nga hindi ako nagkakaroon ng period. Hindi ko naman talaga alam ang mga palatandaan kapag buntis. Kaya nang magbiro mga ka-workmates ko kanina, hindi ko kaagad pinaniwalaan. Baka nag-o-overreact lang sila. Yung pagduduwal ko, yung bigla kong pag-ayaw sa amoy ng pagkain, pati yung pagiging antukin ko. Pero si Keanne, hindi ko inaasahan na ganoon siya ka-seryoso. Hindi na siya nagtanong pa sa 'kin. Dinala niya kaagad ako sa hospital. Ngayon nga ay nandito kami. Naghihintay ng laboratory result ko. Ang sagot sa tanong na hindi ko pa alam kung ha

