Eliza's POV Masaya akong nagluluto sa kusina, halos hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang hinahalo ko ang kumukulong adobong manok. Maaga raw kasi uuwi si Keanne ngayon, kaya gusto kong maging espesyal ang hapunan namin. Ako na ang nagluto. Sumisingaw ang mabangong aroma ng niluluto kong adobo, kasabay ng chicken curry at chopsuey na nakahain na sa counter. Napapikit pa ako sandali, ninanamnam ang amoy parang mas lalo tuloy akong natakam. Hindi nagtagal, narinig ko ang pagbukas ng pinto nitong kusina. “I'm home!" napangiti ako nang marinig ang boses ni Keanne. Akala ko sila Brenda ang pumasok ngunit hindi pala. Napasulyap ako sa aking relo..Masyado pa ngang maaga. Hindi pa ako lumilingon nang maramdaman ko ang mga braso niyang yumakap sa akin mula sa likod. Bahagya akong napan

