Eliza's POV YAKAP ko ang sarili habang nagpapakalunod sa pagbuhos ng tubig sa aking katawan mula sa shower. Hindi ako kumilos, nanatili lamang akong nakatayo na parang wala sa sarili. Pagkatapos ng nangyari, kahit nahihirapan akong maglakad ay umakyat pa rin ako sa taas para maligo. May bahid ng dugo sa couch ng umalis ako. Si Keanne? Hindi ko alam kung saan. Bago ako umakyat dito bigla na lamang siyang lumabas. Hindi ko alam kung nakabalik na ba siya o kung saan siya nagpunta? Sinasabunutan ko na lang ang buhok ko habang patuloy naman ang pagbagsak ng mga luha ko. Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa palabas ng shower room. Medyo masakit pa rin ang p********e ko. Para bang nasugatan ito. Hinila ko ang tuwalya at ibinalot sa aking katawan bago tuluyang lumabas ng banyo. Wala si

