Eliza's POV Pangalawang araw ko na ngayon dito sa hospital. Ngayong araw na rin ako lalabas. Inaasikaso pa ni Mommy ang lahat na kailangan asikasuhin para sa paglabas ko. Si Keanne, wala siya dito. Siguro nasa opisina niya. Sinamahan nga lang niya ako kagabi sandali at umalis rin kaagad. "Ate, are you sure you’re feeling okay?" inalalayan ako ni Evan mula sa pagtayo sa kama. "I can manage. Ayaw ko lang magtagal dito. Pakiramdam ko may malubha akong sakit kapag nandito ako sa hospital." "Ate, wheel chair." Napatingin naman ako sa pinto ng bigla naman magsalita doon ang isa ko pang kapatid, si Ezekiel. Quadruplets kasi sila, si Ezekiel, Evan, Enzo at Earl. Humakbang palapit sa akin si Ezekiel habang tulak naman ang wheelchair. "Nah, ayokong mag-wheelchair." iiling-iling na sab

