Eliza's POV KANINA pa ginugulo ang isip ko ng mga sinabi ni Jessa sa akin kanina. Hindi tuloy ako maka-focus sa pagpipinta kanina ng balik na kami sa aming pwesto. Gusto kong tawagan si Keanne pero wala akong lakas loob na gawin 'yon. Hindi niya man lang nga ako matawagan. Deadma lang naman ako sa kaniya. Kahit text o tawag wala man lang akong natanggap. Pagkatapos ng lahat, ito ako parang baliw sa kaiisip sa kaniya. Papasok na ako ng gate. Nag-commute lang kasi ako. Hindi ako nagpasundo kay Manong Ador. "Good evening, ma'am." bati sa akin ni Jimmy "Good evening din." Gusto ko sanang itanong kung nakauwi na ang sir niya ngunit mas pinili ko na lang na manahimik. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob hanggang makarating sa main door. Pumasok ako sa loob. Tinahak ko ang couch at naupo.

