Blangko si Lorraine habang nakatingin kay Tyler. Bigla siyang nakaramdam ng paghanga sa kanya. Kung ibang tao siguro ang kasama niya sa isla na iyon ay baka hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Kahit nasa gaoong sitwasyon rin sila, kalmado ito. Mahinahon pa nito sinurio kung kamusta ang panahon bago naghanap ng matutuluyan. Walang bakas ng anumang takot sa mukha kahit pa naroon sila sa gitna ng kagubatan na iyon kaya mas napanatag ang loob niya. Mas lalo naman dinamihan ni Tyler ang panggatong para lalong lumaki ang apoy. Hanggang sa naging maliwanag na ang bungad ng kuwebang tinutuluyan nila. "Sapat na ba ang liwanag?" tanong ni Tyler kay Lorraine. "Okay na 'yan," napatango-tango na sagot ni Lorraine. Napatingin naman si Tyler kay Lorraine. "Hubarin mo na muna iyang damit mo,” se