Lalong naguluhan si Lorraine. Galit na galit si Tyler sa kanya na gusto pa nitong mamatay siya pero noong sinubukan niyang magpakamatay at noong sasabog ang cruise ay iniligtas naman siya nito. Bakit nagawa iyon ni Tyler? Dahil ba sa ayaw nito na mawala ang kanyang laruan kaya nililigtas siya nito nang paulit-ulit? Gulong-gulo ang isipan niya. Sumasakit na rin ang ulo niya kaya pinilit na lang na huwag na isipin baka mabaliw pa siya. Ipinikit na lang niya ang mga mata. And while listening to the howling wind outside the cave, Lorraine hugged Tyler and fell into a deep sleep. Kinabukasan, nang magising si Lorraine, mahimbing pa ring natutulog si Tyler. Inilapat niya ang kanyang kamay sa noo nito. Nakahinga siyang nang maluwag dahil ang balat na hinawakan niya ay bumalik na sa normal na