"Pervert," galit na wika ni Lorraine. Hinampas naman ulit nito ang puwitan niya. "Hindi ka ka talaga marunong sumunod,” anito na muling itinaas ang kamay at akmang hahampasin ulit siya. "Huwag! Huwag, huwag. Hindi na ako uulit. Sorry na,” ani Lorraine na pulang-pula ang ang mukha na animo’y hinog na kamatis. Its her first time na may humampas sa puwet niya at naiinis siya. Napangiti naman si Tyler nang marinig ang paghingi ng sorry ni Lorraine. Kahit kailan ay kailangan talaga itong bantaan bago sumunod. Nang makabalik sila sa kuweba, marahang inilapag ni Tyler si Lorraine. Napasimangot na naman siya habang nakatingin sa sugat sa bukung-bukong nito. Dumadaloy pa rin ang dugo. Namamaga at pulang-pula na rin ang sugat—nakakakilabot. "Ayan, tingnan mo iyang sugat mo imbes na gumaling la