"As long as it’s a treasure, everything tastes good!" Tyler's handsome face had a very gentle smile. Napatingin si Lorraine kay Tyler. Ano kaya kung lagyan ko ng lason, sasabihin pa rin ba niyang everything tastes good? Habang si Trixie naman na nakaupo sa tapat nila ay nasaksihan ang malalim na pagmamahalan ng dalawa sa isat isa kaya galit na galit na naman siya na halos gusto na niyang umiyak. Malinaw na sinadya talaga ni Lorraine ang ginawa nito kanina. Alam nitong may gusto siya kay Tyler kaya pinagseselos siya nito. Ayaw naman niyang magkuhang tanga at manatili pa kaya naisip niyang umalis na. "Boss Tyler, may gagawin pa pala ako, mauuna na ako sa inyo." Sinubukan ni Trixie ang kanyang makakaya upang mapanatili ang ngiti sa mukha habang kinuha ang kanyang Chanel bag at naghanda na u