Kinabukasan, maagang umalis si Lorraine para maghanap ng trabaho. Lahat ng puwedeng pasahan ng resume ay pinasahan niya. Nagbabaka-sakali na matanggap siya. "Ilang Company na ang pinasahan ko ng resume ko bakit lahat sinasabi tatawagan na lang ako?" bulong ni Lorraine sa sarili. "Lorraine!" Habang naglalakad, isang tinig na nagmula sa kanyang likuran ang narinig ni Lorraine. Napalingon siya upang tingnan kung sino ang tumawag. Lulan ito ng kulay pulang sports car. "Zabrill?" "Saan ka pupunta? Ihahatid na kita," wika nito. "No need, you can go back to your work. May gagawin pa ako!" Alas dose pa lang ng hapon, ayaw pang bumalik ni Lorraine sa Harrison's Villa nang maaga. "San ka pupunta? Ihahatid kita!" Pamimilit ni Zabrill. Nais lamang niyang manatili nang kaunti pa kasama si Lorrai