LIHIM na nakikinig si Amethyst sa usapan ng dalawang mortal sa mundo ng tao. Sa kanyang mga napakinggan ay agad siyang pinanghinaan ng loob kasabay ng poot sa sarili sapagka’t wala siyang magawa upang hanapin ang kapatid. “Amethyst, batid ko ang iyong pag-aalala sa iyong kapatid at ganoon din ang aking nararamdaman. Patuloy n’yo mang ilihim sa akin ang nagaganap sa iyong kapatid ay akin itong mababatid sapagka’t siya ay karugtong ng aking buhay” “Ina!” Naluluha ang mga matang lumapit si Amethyst sa kanyang Ina at hinagkan ito ng pagka higpit-higpit. “Patawarin mo ako, Ina, nais ko lamang na mapalagay ka at ibibigay ko ang lahat upang maalagaan ang ating Aquila subalit nabigo ako. Ngayon nga’y wala na akong kakayahan upang siya’y matulungan. Hindi sumagi sa aking isipan na ako’y mawa