"P're! Bakla ka ba?" Tanong ng isa kong tropa sa akin. Isang walang kwentang tanong pa at basasagin ko na talaga ang mukha nito, lalo na't matagal na yata itong basag. Kamukha niya si Tado, yung payatot sa TV. "Chicks na 'yun pare, e! Pinakawalan mo pa!"
Hindi pa pala 'to makahuma sa eksena kanina.
"Sabi ko na nga ba p're, 'di hamak na mas makisig at mas matipuno ako sa 'yo. Dumadami na chika babes ko pero ikaw, wala ni isa." Aba nama'y nagmalaki pa ang isang 'to talaga. Sabay hawak na naman nito ang kaniyang cellphone. Ang dami niya textmates. Mga babaeng pumapatol sa text. Napailing-iling na lang ako.
Magmumukha lang akong mas gago kung papatulan ko ang mga hinaing ni Nato.
"Sana kahit number lang no'n kanina, nakuha mo man lang."
Napakunot lalo ang malapad kong ko.
"P're, gago lang ako. Pero hindi ako gano'n katarantado." Wala akong pakialam sa naging hitsura niya pagkatapos ko siyang sagutin. Basta, ang alam ko, tumulong lang ako kanina. Kailangan niya ng tulong. Wala lang talaga akong pagpipilian pa. Ang babae ay babae. 'Yon lamang 'yon.
"Ay sus, p're! 'Di ka santo kaya huwag ka mangarap ng isang santa na dadating sa 'yo." Hinimas himas pa nito ang mukha niyang may black eye. Ano ba ang bago?
Napaaway na naman sila sa kanto. May babaeng kamuntik nang mabastos, at kami naman ay ang mga timang na bigla-bigla na lang sumugod doon, at nakipagbakbakan.
"E, kung ipakilala ko na sa 'yo si Satanas ngayon?"
"Easy lang, p're! Hindi ka na mabiro. Sinasayang mo ang kapogian mo. Tiklop ka naman palagi 'pag may chicks!"
"Ang mga babae, nirerespeto. Hindi pinaglalaruan."
Wala. Walang saysay makipag-usap sa isang taong wala yatang kaseryo-seryoso sa katawan.
Lumabas ako sa maliit naming nirerentahan na apartment, tahimik na bumaba ng hagdanan, at pumunta sa paborito kong tambayan.
***
"Ay! May tumatae! "
Kamuntik nang mabingi ang mga tainga ko dahil sa isang babaeng bigla-bigla na lang tumitili sa aking likuran.
Kasalukuyan akong nagmuni-muni sa isang tuktok ng burol. Madaming mga d**o at matataas na rin ang mga talahib na pumapalibot sa buong lugar na ito. Pero, masarap talaga tumambay dito lalo na tuwing gabi.
Tumatae?
Doon lang pumasok sa aking isipan ang isinigaw ng babaeng ito. Taena! Ako ba 'yong pinagsasabihan niyang tumatae? Napalingon tuloy ako sa kaniya nang wala sa oras.
Sino ba 'tong hinayupak na babae na 'to?