T E A S E R

259 Words
Ang binatilyong si Yosef ay hindi isang prinsipeng pinapangarap ng bawat kababaehan at wala siyang panahon upang ipagtanggol ang iba -- bukod sa kaniyang sarili. Namuhay siyang mag-isa, kinayang mag-isa, at napapagod nang baguhin ang imahe niya sa ibang tao. Si Jared naman ay tila ba'y nasa itaas na ng mga bituin, ngunit mas gusto niyang lumipad gamit ang sarili niyang mga pakpak. May sariling prinsipyo, paninindigan, at angking katapangan. Ang halimaw at ang prinsipe na may kaniya-kaniyang anino ng kalungkutan, makikilala nila ang weirdong babae na mas lalong magpagulo sa magulo na nilang mundo, at magpabago ng takbo ng kanilang pamumuhay at paniniwala. Ang pag-ibig ay walang pinipili ngunit sadyang hindi lahat ng nilalang ay p'wede. Saan nga ba sila lulugar? Paano ba sila magmamahal? **** AUTHORS NOTE: Ang Masokista ay hango sa tatlong taong nagkakilala sa Wattpad. Kombinasyon ito ng fiction at reality. Ang school na setting ay ang mismong Wattpad world. Ang linyahan at emosyon ay hango sa feelings ng tatlong tauhan: Olivia Yosef Jared Ang istoryang ito ay mahigit dekada ang inurong sa totoong buhay. Meaning, sila ay hindi na mga teens. Ang mga characters ay 90% totoo sa reyalidad at pinagdugtong-dugtong ko na lamang. Binuo ang Masokista para manatili ang isang magandang aalala. Ito ang Wattpad lovestory ng inyong lingkod, year 2013-2016. This is also my reminder that this world is far from just a writing sanctuary. Dito kasi sa mundong ito, nagawa kong maghilom -- puso, kaluluwa, at pagkatao. Salamat sa mga taong nakilala ko. This story is yours. -- Allrights reserved. Kyrian18
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD