Huminga ng malalim si Hope bago sila pumasok sa mansion kung saan gaganapin ang illegal auction. Kasama niya si Heart at Nicole na pumasok habang ang iba ay nasa labas ay naghihintay ng 'go signal' niya. Tumingin sila sa paligid. Lahat ay nakasuot ng mask at pati rin silang tatlo. Nakasuot ang lahat ng formal attire. Women are wearing dress and men are wearing coats. Sila lang ang nakasuot ng all in black. At napapatingin sa kanila ang ibang mga guest. Nasa mukha ng mga ito ang pagtataka. Lahat ng nasa event ay halos mga mayayaman at kasama ng mga ito ang kani-kanilang mga bodyguards. "Everyone, are you all in position?" Tanong niya sa mga kasama. "Yes, Lady Hope." Sagot ng mga ito sa suot nilang earpiece. "Wow, all rich." Komento ni Heart habang tumitingin

