"Bye, Tita." Paalam niya kay Tita Nikki. Katatapos lang ng oras ng trabaho niya bilang chef sa restaurant nito at dumaan siya sa opisina nito para magpaalam. "Ingat ka, Hope." "Opo." Tumango ito. Lumabas siya ng opisina ni Tita Nikki at nilapitan si Nicole na naghihintay sa kanya. They have mission tonight kaya kailangan nilang pumunta sa HQ. Nandoon ang superior nila at naghihintay. "Let's go?" Tumango siya. Sabay silang lumabas ng restaurant at sumakay sa kotse ni Nicole na nakaparada sa harapan ng restaurant. Wala ang Kuya Nicolai niya dahil umuwi ito ng Pilipinas noong nakaraang araw. "So, how are you and Zane?" Tanong ng kapatid habang nagbibyahe sila patungong HQ. She shrug her shoulders. "Mabuti." Aniya at bumuntong-hininga. "Mabuti? Talaga lang

